JEWEL
Chapter Thirty-one
THE words seem to be flying everywhere. Wala na siyang naiintindihan sa binabasa niyang report ng team niya. She's been at it for an hour or so pero hindi niya magawang mag-focus sa pagbabasa nito. Her brain doesn't want to cooperate today.
She placed the report back on its folder. Mamaya na lang niya iyon babasahin ulit. She feels distracted. Ilang araw na siyang ganoon. She took the calendar and counted the days. She'll be having her period for the next few days kaya pala pakiramdam niya ay iritable siya.
Tumayo siya mula sa swivel chair niya at kumuha ng tubig sa dispenser na nasa sulok ng opisina niya. It helped to calm her mood. But there's really something she's bothered of. Parang nagke-crave siya sa hindi niya maintindihan kung ano.
She's always like that. She craves for some particular foods kapag malapit na siyang datnan ng monthly period. Must be the hormones.
She grabbed her phone at nag-search ng maari niyang magustuhang pagkain. She's craving for something sweet. May ice cream pa naman siya sa condo niya pero parang hindi yun sapat.
Nasa gitna siya ng pagse-search ng pumasok sa kwarto ang sekretarya niya. Atubili pa itong lumapit sa kanya.
"Miss Kaye, mago-overtime po ba tayo?" tanong nito sa kanya.
Mabilis siyang tumingin sa wristwatch niya. It was ten minutes past five pm already. Hindi na niya namalayan ang oras.
"Nope. Sorry, hindi ko namalayan ang oras. You can go now." sagot niya dito.
"Sige po. Mauna na po ako. Enjoy your weekend, Miss." sabi nito sa kanya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
She gathered her things at naghanda na rin sa pag-uwi. It's Friday night at sa bahay siya ng mga magulang uuwi ngayon. Doon na lang sila magkita ni Jigger. May gusto pa siyang puntahang lugar bago umuwi sa kanila.
She rode their private elevator down the building. She waited for her driver to pull over and got in the car.
"Kuya Dante, sa Mon Bijou muna tayo."
Her driver just nod at her and drove her to the place she wanted to go. She's craving for some èclairs. Kung tutuusin ay pwede naman siyang magpa-deliver na lang sa bahay nila. But she chose to go there personally.
A part of her wanted to see the pastry chef.
It was already dark ng makarating sila sa café. They were stuck in the traffic na labis na ikinainit ng ulo niya. Wala naman siyang magawa dahil rush hour at gusto na din niya talagang ma-satisfy ang cravings niya.
Her driver opened the car door for her. She stepped out of the car and stared at the signage outside. Tila may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. It's like she's staring at her name.. At her posssesion.
"Kuya Dante, sumama ka sa loob. We'll both eat inside."
Nagtataka man ay sumunod naman sa kanya ang driver niya. Pagpasok pa lang niya ay sumalubong na sa kanya ang amoy ng mga dishes na ino-offer ng café.
She chose the table quite far from the others. Dahil sa siguro ay Friday at payday kaya marami ang customers ngayon.
Bago pa siya makarating sa table na napili niya ay may humawak na sa siko niya para igiya siya papunta roon. Hindi na niya kailangan pang lingunin kung sino ito dahil kilala na niya ito agad base sa pabangong gamit nito.
"Thanks." she said when he assisted her in sitting down. Ang driver naman niya ay sa katabing mesa naka-pwesto.
"It's quite a surprise seeing you here. Akala ko'y namalikmata lang ako nung makita kitang pumasok. But I'm glad you're here.."