JEWEL
Chapter Thirty-four
She woke up feeling lightheaded. Naging maramot ang antok sa kanya at halos madaling araw na din siya nakatulog. Pero kailangan pa din niyang gumising ng maaga para pumasok sa trabaho. Hindi siya liliban sa trabaho dahil lamang sa puyat.
She checked her phone at nainis siya ng makitang dead batt na iyon. She plugged it in its charger before heading to her bathroom. Mabilis siyang naligo dahil maiipit na naman sila sa traffic kung magtatagal pa diya. She dolled up in her usual corporate attire and blowed dry her hair. Naiinis siyang naglagay ng concealer sa ilalim ng mga mata niya para kahit papaano ay matakpan ang eyebags niya. But still, pansinin pa din iyon kahit anong pag-cover ang gawin niya. Mas nakadagdag pa sa inis niya ang pimple na tumubo sa noo niya.
Kasalanan talaga ni Arnulfo kung bakit siya may eyebags at pimple ngayon. Napuyat siya sa kaiisip kung bakit kailangan pa siyang halikan nito in public. Sa harap pa mismo ng building nila!
Dahil wala ng maisip gawin sa eyebags niya ay nagsuot na lang siya ng shades. It's weird na magsusuot agad siya ng shades sa umaga but she have to do it kesa makita ng lahat ang eyebags niya. Baka mamaya, may kumuha na naman ng litrato niya at pagpyestahan pa ang itsura niya.
She grabbed her phone na nasa 15% pa lang. Sa opisina na lang niya itutuloy iyon. Sinalubong siya agad ng driver niya at kinuha ang bag niya. They arrived at their building in time. It was a good thing dahil siguradong iinit ang ulo niya sakaling ma-late siya kahit ilang minuto lang.
Nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan. With her sunglasses on, namataan niya ang ilang reporter na naghihintay sa lobby. Hindi niya alam kung siya ba ang pakay ng mga ito kaya hindi na niya pinansin ang mga ito. Ngunit nang makita siya ng mga ito ay nag-unahan ang mga ito sa paglapit sa kanya.
"Ms. Angeles, totoo po ba na engaged na kayo?"
"Ms. Angeles, ano pong masasabi niyo sa lumabas na pictures niyo ni Mr. Arnulfo Perez habang naghahalikan?"
Napanting ang tenga niya sa tanong na iyon. Naghahalikan? Paano naging paghahalikan yun kung hindi naman siya tumugon? Hinalikan siya ni Arnulfo. Hindi siya nakipaghalikan dito. Magkaiba iyon!
Gustuhin man niyang patulan ang tanong ng mga ito ay mas pinili na lang niyang hindi sagutin ang mga ito. Sumenyas siya sa ilang guards na nandun at nagmadali naman ang mga itong pigilan sa paglapit at pagsunod sa kanya ang mga reporters.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang sumara ang pintuan ng private elevator nila. What a great way to start the day! Siguradong hindi magiging maganda ang buong araw niya.
Tumayo agad ang sekretarya niya ng makita siyang pumasok.
"Good mo--" she stopped her in speaking.
"Cancel all my meetings and appointments for today. And please, bring me a cup of brewed coffee. Thank you." sabi niya dito at nag-diretso na sa opisina niya.
She slumped at her chair at inis na hinubad ang shades na suot. Tiningnan niya ang sarili sa salamin at napasimangot siya ng makitang nangingitim na din ang eyebags niya. Anong klaseng concealer ba yung ginamit niya?
Agad niyang isinaksak ang charger niya at binuhay ang cellphone niya. Sunod sunod na texts ang pumasok dito. She checked on it at una niyang binasa ang text na galing sa mama niya.
From: Mama
Princess, bakit hindi kita ma-contact? Have you seen the papers? I thought you're mad at Arnie? Why were you seen kissing in public? I'm glad na nagka-ayos na kayo. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/39785685-288-k766325.jpg)