JEWEL
Chapter Three
"Miss Jewel, pumunta po daw kayo sa library."
"Why, manang?"
"Hindi ko po alam. Ibinilin lang po na pagdating niyo po daw-"
Hindi ko na siya hinintay makatapos sa paliwanag. Alam ko naman na ang ending eh pupunta pa din ako sa library ng house namin. Bakit kaya naman ako pinapupunta dun? May problema kaya?
"Oh hello, Craig! Andito si Jigger?" Tanong ko sa executive secretary ng kapatid ko na nakita kong nakaupo sa couch sa labas ng library.
"Yes, Miss Jewel." Tipid na sagot nito. Kaya hindi ako makapagtaray sa lalaking ito. Napaka-seryoso eh.
I went inside our library and found my family inside. Yes, my family. My parents and Jigger. Nang makita ako ni Mama, parang naiiyak siya. Si Jigger naman, napabuntong hininga. At si Papa, he has this disappointed look when he saw me.
"Sit down, young lady." Even Papa's tone sounds alarming. He is so serious. Bihira lang mangyari ang pagkakataong ito. This means that there is something wrong. May nagawa ba akong mali?
"Guys, para saan ang meeting na ito?" Tanong ko.
"Look, baby. You know how much we love you, right? We gave you everything that you like..." pasimula ng kapatid ko.
Ano ba kasing meron?
"Wait! Don't tell me ipakakasal niyo ako sa anak ng kasosyo natin sa negosyo?!" I said nervously. No, no.. Ayoko. Hindi ako papayag kahit kunin pa nila lahat ng credit at debit cards ko.
"No. You are too young to get married." Sagot naman ni Mama. I was relieved.
"Then, ano ang ibig sabihin nito?"
"You almost killed the Vice President's son last night!" Papa blurted out.
"Wait.. what? Sinong anak ng Vice President? Vice President ng ano? Ng corporation?"
"Vice President of the Republic of the Philippines. Yung lalaking binugbog mo sa bar kagabi ay anak ng Bise Presidente. Their lawyer approached me this afternoon and told me that they want to file a case against you."
"Sus, anak lang naman pala ng Vice President ng Pilipinas. Kung anak pa siya ng Presidente ng America, baka kabahan pa ako. And besides, hindi niya sana sasapitin yun kung hindi siya bastos. He violated me. He is a pervert, a maniac. Dapat pa nga sa mga kagaya niya, ina-amputate eh." paliwanag ko.
"Jewel, masyado ka na atang lumalala ang mga nakakaaway mo." Sabi ni Mama.
"Pero Mama, sila naman ang nangunguna. Hindi ako nagsisimula ng away. Gumaganti lang ako."
"Baby, remember when you were in grade school? You bullied one of your classmate dahil hindi mo gusto ang pony tail niya." Sabi naman ni Jigger.
"Jigger, hindi naman talaga bagay sa kanya ang pony tail niya. Ang pangit pangit niya." Sagot ko.
"At ilang teachers din ang ipinagpilitan mong patalsikin sa highschool na pag-aari ng lolo Claude mo.." sabi naman ni Mama.
"Mama, naiinis ako sa kanila kasi mas mabunganga pa sila kesa sayo. Ang nagger nila. At lagi nila akong ikinukumpara kay Jigger. Tama ba yun?" Depensa ko.
"Pero hindi rin tama na lagyan mo ng kuting ang bag ng teacher mo sa History. Alam mo namang malaki ang takot nun sa kuting. You almost gave the old lady a heart attack." Sabi naman ni Papa.
"Ang dami niya kasing pinapasulat at pinaa-assignment. Nakakapagod. Sobrang boring kaya ng subject niya."
"Jewel, still mali pa din yun. You should respect you teachers. Kahit na ba ang lolo mo ang may-ari ng school na yun, dapat normal student pa din ang trato nila sayo. They can give you orders, projects, assignments, and even reprimand you kung kinakailangan kasi yun ang trabaho nila. Natatandaan mo pa ba kung ilang bodyguards mo ang nag-resign dahil hindi nila kaya ang tigas ng ulo mo? Ilang yaya mo na din ang hindi nagtagal dahil lagi mo na lang inaaway? Ilang friends mo na ba ang lumayo sayo? Ilang beses mo na din ba kami tinakasan para lang makarating sa parties ng mga sinasabi mong "friends" mo? Nung college ka, ilang babae ba ang umaway sayo dahil inaagaw mo daw sa kanila ang boyfriends nila? Ilang professors na din ba ang nagtangkang i-drop ka. Kung hindi lang nahihiya sa kuya Jigger mo, siguro hindi ka na nila pina-graduate. Jewel, gawain ba talaga ng mga matinong babae yun? Kagabi, hindi namin alam na lumabas ka pala. You're only 22 at ang dami mo ng gulo na kinasangkutan." helpless na sabi ni Papa.
"Pero Papa, I have my reasons. Kaya ko naman ang sarili ko eh. Hindi niyo na kailangang mag-alala."
"Alam naming kaya mo ang sarili mo. Yang ugali mo ang gusto naming magbago sayo. Kahapon, nag-resign yung personal assistant mo dahil iniwan mo daw siya sa mall mag-isa."
"Paanong hindi ko siya iiwan? Tulog na tulog siya, Papa. Dapat nga magpasalamat pa siya dahil hindi ko siya inistorbo."
"Hindi mo man lang ba naisip na baka sobrang pagod lang yung tao? Kilala kita kung paano ka mag-shopping. Kahit sino ang kasama mo, malamang na susuko na sa pagod. Huling huli na ito, Jewel Kaye. Pag naulit pa ang pangyayaring ito, mapipilitan akong turuan ka ng leksyon."
"Pero, Papa.."
"No buts. Last na ito, Jewel. Pagod na akong umayos ng mga gulo mo. Dinaig mo pa ang lalaki. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Sasagot sana ako na hindi ko maipapangako na huli na ito. Pero base sa titig sa akin ni Papa, obvious naman na hindi siya tatanggap ng sagot na malayo sa gusto niyang madinig. "Yes, Papa."
"Good. Now, you stay in the house because you are not allowed to go out for a week."
"What?! You mean, I'm grounded? For a week?"
"Yes. You heard me young lady, you are grounded for a week." Papa said with finality in his voice as he walks his way outside the library.
"But Sab's party is on Saturday! I need to be there.." naiiyak na sabi ko.
"I'm afraid that you'll miss that party. Better luck next year." Sabi ni Papa at tuluyan ng lumabas ng library.
Tumayo na din si Jigger para lumabas ng library nang pigilan ko siya sa braso. I gave him the puppy look he couldn't resist.
"Jigger.. please. Talk to Papa."
"Okay. I promise."
"Yes! I love you, Jigs. Siguraduhin mong mababago mo ang isip ni Papa. Kahit 3 days lang, okay na yun. Basta sa Saturday, dapat makakapunta ako sa party ni Sab."
"Ah,nope. I promise na uuwi ako dito ng Friday night para magkasama tayo buong weekend." Sabi ni Jigger at lumabas na din ng library.
Napaupo ako sa carpet dahil sa sinabi ni Jigger. I thought.. I thought he will help me.
"Stand up, Jewel. Wag kang sumalampak diyan." Sabi naman ni Mama na lalabas na din ng library.
"Mama, help me. Hindi ko kayang tumagal dito sa bahay ng buong isang linggo.." nagmamakaawang sabi ko. I even let a tear fall from my eye para mas convincing.
"Don't worry, i'll make that your stay will be worthwhile."
"But how?"
"I'll give you some baking, cooking and photography lessons for free."
My jaw dropped at what Mama said. Cooking, baking, at photography. Tatlong bagay na kinaiinisan ko talaga. Tapos ngayon, I'll be dealing with it for a week!
"Shit happens." Nasabi ko na lang.