JEWEL
Chapter Seven
"Aray.."
Daing ko paggising ko kinabukasan. Masakit ang likod ko. Kailangan ko talaga ng mattress dito sa higaan ko. My God, hindi kaya magkabukol bukol ang likod ko dito bago matapos ang 100 days?
Bumangon na ako at nag-unpack ng mga gamit ko. I don't know where I will put them all. Namimiss ko na ang mga gadgets ko. Di na ako updated sa Instagram. I really wanna die.
Pagkatapos kong ilabas lahat ng gamit ko, pumili na lang ako ng isusuot ngayong araw at lumabas na ako sa kwarto. Nakita ko yung matanda na nakaupo sa sofa na yari sa kawayan.
"Magandang umaga, ineng. Kumusta ang tulog mo?" magiliw na tanong niya sa akin. Ang weird ng matandang to. Samantalaga kagabi, ang init ng ulo.
"My back aches.. Matigas kasi yung kama." Sagot ko na lang at nag-diretso na ako sa banyo para maligo.
Walang shower.. Walang bath tub.. Walang faucet. Ang nandun lang ay dalawang malalaking lalagyan na may tatak ng brand ng mantika. Tinanggal ko yung takip at nakita kong tubig pala ang laman nun. So, iniipon pala yung tubig. This is the first time na liligo ako na ang gamit ay tabo. Buti pa yung mga maid sa bahay, naka-shower pag naliligo. Samantalang ako, pa-tabo.
Mabilis kong tinapos ang pagligo pati yung mgs morning rituals ko at nagsuot ng komportableng damit. Shorts at loose shirt. Pag labas ko ng banyo, nagpe-prepare ng breakfast yung matanda.
"Alam kong gutom ka na, ineng. Halika, dine at kumain na tayo. Nagluto ako ng sinangag at tocino. Sana naman eh makain mo na are."
"Pwede na yan. Gutom na din talaga ako eh." Sagot ko at umupo na din.
Kahit na hindi kasing sarap ng luto sa bahay namin yung fried rice at tocino eh nagtiyaga na din akong kainin yun. Mahirap ng magutom, masakit pala sa tiyan.
"Oo nga pala, ineng.. May budget na ipinadala sayo ang ama mo. Panggastos mo daw habang nandidine ka sa poder namin."
I literally smiled when I heard the word "allowance".
"Magkano? 100 days ako dito. Magkano per day? Ten thousand ba?" Excited na tanong ko.
"Anong per day? Ten thousand lang ang allowance mo sa loob ng 100 days. Kailangang mapagkasya mo yun. At hindi ikaw ang hahawak ng pera kundi ako. Ako ang magbibigay sayo ng pera pag kailangan mo lang."
Ten thousand lang para sa 100 days? Saan makakarating yun?
"Alam mo ineng, mura lang ang buhay dito. Hindi kagaya ng buhay sa Maynila na kailangan bawat galaw mo ay may perang katapat."
"Kahit na.. It's not enough.."
"Magkakasya yun. Maniwala ka."
Tahimik na lang akong kumain. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung kakarampot na allowance na ipinadala ni Papa. Hindi niya ata talaga ako mahal.
"Pagkatapos mong kumain, hugasan mo lahat ng pinagkainan natin pati na din yung nagamit ko sa pagluluto."
"Ano?! Bakit ako ang maghuhugas?"
"Nakikitira ka lang, ineng. Sundin mo na lang ang sinasabi ko at wala ka din namang magagawa dahil ako ang masusunod dito."
And with a heavy heart, naghugas ako ng mga plato. Hindi naman ako maka-arte dahil binabantayan ako ng matanda. Naka-survive naman ako sa paghuhugas ng plato. Ang kaso, nabasag ko yung isang baso.
--------
Lumabas ako ng bahay para tingnan yung paligid na hindi ko nakita kagabi nung dumating ako kasi nga madilim. Malawak yung bakuran. Kahit na maliit yung bahay, malaki naman yung lupa. May organic garden sa kabilang side. At may flower garden naman sa kabila. May mga puno din ng mangga. Tipikal na setting ng isang probinsya. At hindi ko ide-deny na namangha ako ng makita ko yung view sa likod ng bahay. Isang malawak na taniman ng palay.
Lumabas naman ako sa bakuran at naglakad lakad hanggang sa makarating sa may sementadong daan. Magkakalayo yung mga bahay dito.
Karamihan sa mga nakakasalubong ko sa daan eh nakatingin sa akin. Feeling ko nga, pinagchi-chismisan pa ako ng iba. Tinandaan ko yung mga nadadaanan ko. Pati mga tindahan. At bago pa ako makalayo eh bumalik na ako ulit sa bahay na tinutuluyan ko. Bukas ko ulit pag-aaralan yung lugar na ito.
"Saan ka galing?"
"Hmm, diyan diyan lang. Naglakad lakad lang. Exercise.." sagot ko.
"Huwag kang maglalayo lalo na at wala kang kasama. Hindi mo gamay ang lugar na ito. Baka mapahamak ka pa sa pangangalaga ko."
"Oh-kay. Chill ka nga lang manong. Ang seryoso mo lagi eh."
"Dito ka lang sa bahay. Baka tawagan ako ng ama mo at hanapin ka."
And that's what I did. Nag-stay lang ako sa bahay kahit na bored na bored na ako at gusto ko ng magbigti. May TV nga, hindi naman cable. Wala man lang Star Movies at MYX.
At nung lunch, napilitan na naman akong kumain ng pagkaing hindi ko naman sanay kainin. Kahit na ayaw ko, pinilit ko na lang dahil medyo scared naman ako dito sa matanda.
Kaso, ako na naman ang pinaghugas ng mga kinainan. Ganito ba ang gagawin ko dito? Isang alalay lang?
Nung gabi na, sinabi ko talagang hindi ako maghahapunan para wala akong obligasyon na maghugas ng mga kinainan. Haha
One down.. 99 days to go.
