Chapter 10

365 17 1
                                    

JEWEL


Chapter Ten

It's my 6th day here in the province. At anim na araw na din akong inaalila sa pamamahay na ito. Medyo sanay na nga ako eh. Pwede na akong mag-apply na katulong sa bahay namin pagbalik ko.

Naa-appreciate ko na din yung buong lugar. Maganda naman pala. Kung dala ko lang ang DSLR ko, siguro marami na akong nakuhang litrato. The sunrise is superb! Lagi ko na nga inaabangan ang pagsikat ng araw sa likuran ng bahay nila Sungit.

And speaking of Sungit, hangga't maari eh hindi ko na siya pinapansin. Ayoko ding kinakausap siya. Lalo na pag wala siyang suot na shirt. Hindi kasi ako makapag-focus sa mga sasabihin ko pag napapatingin ako sa abs niya. Maganda ang abs niya, infairness.

Tsaka ayaw ko ding tumitingin sa mga mata niya. Kung makatingin siya para bang inaakit niya ako. Eh siya naman mismo ang nagsabi na hindi niya ako type kaya hindi niya dapat ginagawa yun.

"Hoy, Jewel! Aalis na ako. Ang tatay ha, wag mong iiwan mag-isa. Tsaka siguraduhin mong kakain siya sa tamang oras. Pati yung gamot niya. Wag kang maglalalayo. Di mo pa ito kabisado. Bawal dito ang tanga."

Oh diba, magbibilin na lang, mainit pa din ang ulo. Pa-tatlong araw ng umaalis ng bahay si Sungit. Aalis siya ng 9am tapos uuwi ng 6pm. Pag dumadating siya, may mga dala dala na siyang mga pagkain na pang-stock sa ref.

Meron din siyang Mio Fino. Yun ang ginagamit niya pag umaalis siya. Ang ganda nga nung motor niya eh. Ang lakas maka-vintage ng dating. Pag bumalik ako ng Manila, bibili din ako ng ganun.

"Oo na." Sagot ko na lang.

"Pag good girl ka ngayon, igagala kita sa bayan bukas." Sabi niya sa akin habang pasakay siya ng motor niya.

"Talaga?" Excited na tanong ko.

"Magsipag ka muna. Pag masipag at mabait ka, may reward ka sa akin. Sige na. Pasok na dun sa loob."

Kahit papaano naman, may good side din naman pala ang masungit na yun.

---------

Kinabukasan, maaga akong gumising. Nagsipag talaga ako sa mga gawain ko sa bahay. Naglinis ako ng bakuran, nagluto at nag-igib ng tubig. Pinilit ko talaga ang sarili ko na magpakabait kay Arnulfo para matuloy ang gala namin sa bayan.

"Alas nueve tayo aalis. Aayusin ko muna itong mga kailangan ni tatay. Maligo ka na at magbihis. Ako naman ang gagamit ng banyo mamaya." Sabi niya sa akin pagkatapos naming mag-almusal.

"Okay. Lilinisin ko muna itong kinainan natin."

"Wag na. Ako na diyan. Maligo ka na."

Aba. Himala ata at hindi siya masungit ngayon. Nagmadali naman ako sa pagligo at pag-aayos. Umupo na lang ako sa sofa nila na yari sa kawayan habang hinihintay siya.

Sa paghihintay ko sa kanya, saka ko lang napansin yung mga frames na nakasabit sa dingding. Nilapitan ko ang mga yun at isa isang binasa.

Arnulfo Cruz Perez.. Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management.

HRM graduate pala si Sungit. Sayang naman at hindi niya nagagamit yung tinapos niya.

Nakita ko din yung certificates ni Tatay Noli. Dati pala siyang member ng Philippine Army. Astig ah.

Nandun din yung mga certificates ng mga seminars at trainings kung saan nagparticipate si Sungit. Bakit kaya yung mga certificates namin ni Jigger eh hindi naman idini-display ni Mama sa bahay? Ganito ba talaga ang mahihirap?

JEWELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon