Chapter 28

197 6 0
                                    


JEWEL


Chaoter Twenty-eight


'Keep calm, Kaye.. Keep calm.. Breathe. It's okay. You can get through this dinner..'

Paulit-ulit niyang pinapaalala yun sa kanyang sarili. What the? Bakit hindi niya alam na babalik ang lalaking ito? Bakit kailangan pang pumunta dito sa bahay nila? Bakit magiliw dito ang mga magulang niya? And Jigger seems fine having him around.. The last time she checked, her brother is mad with this guy.

"Arnie, iho.. You can sit besides Jigger." her mother said tenderly.

"Thank you, Madame." the visitor said in baritone voice.

"Oh, please. Just call me Tita. Hindi ka naman na iba sa amin." magiliw na sabi ng ina niya.

She can't help her toes to curl. Lalo na ng makaupo na ang bisita sa tabi ni Jigger--sa harap mismo ng pwesto niya. She was looking blankly ahead when Arnulfo's face came into her view.

He's changed. He's changed a lot. His hair is now long and is tied in a pony tail. His shoulders is now broader. Though he's wearing a white crisp long sleeves polo, she can see how define and well formed his chest is. He is so manly. He exudes confidence and appeal.

'Am I praising this beast?'

She gathered herself and her composure. Kailangang magmukha siyang seryoso at hindi apektado sa presensya ng taong nasa harapan niya. And besides, nangako siya sa sarili na kakalimutan na ang taong ito at  sa kung sakali mang magkita silang muli ay babalewalain na lang niya ito.

He deserves a cold treatment from her. After all she's been through just to move on from him, she won't let all those efforts be put into waste.

Bahagyang napigil niya ang hininga ng tumitig ito sa kanya. Napahigpit ang kapit niya sa table napkin na nakapatong sa kandungan niya. There's something about his stare that makes her want to melt.

"Good evening, Jewel.." he greeted her.

She can feel that her family's eyes were on them at this moment. Si Jigger ay parang tuwang tuwa pa sa uncomfortability niya.

"It's Kaye, Mr. Perez." tipid niyang sagot.

"It's Jewel for me, Ms. Angeles." sagot nito sa kanya.

Naiirita siya. Everytime na binabanggit nito ang  pangalan niya ay parang may kung anong gustong kumawala sa tiyan niya.

"Fine, suit yourself." sabi niya at tumingin na lang sa plato niya.

Matapos ang ilang kamustahan ay nagsimula na silang kumain. Nag-focus na lang siya sa pagkain at hangga't maari ay iniiwasan niyang mapatingin sa lalaking nasa harapan niya. Kahit hindi siya nakatingin dito ay nararamdaman niya tuwing tinitingnan siya nito.

Lalo tuloy siyang nagpo-focus sa pagkain dahil ayaw niyang magkamali. Mahalata pa ng mga kasama niya sa hapag kainan na natataranta siya.

"Iho, kumusta naman ang negosyo mo sa Paris? Balita ko'y maganda ang takbo nito at nagiging sikat na. Na-feature pa daw ito sa isa sa mga kilalang magazine sa France."

"Yes, sir. Sa palagay ko ay nakatulong sa sales ng coffee shop ang pagkaka-feature nito sa magazine. It's good for the publicity. It's free advertisement." Arnie said.

Pati ang paraan nito ng pagsasalita ay nag-improve na. Ang swabe nitong boses ay tila nang-aakit. Halatang may pinag-aralan at malayo na ang narating sa buhay.

JEWELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon