Chapter 36

217 9 5
                                    

*unedited.

JEWEL

Chapter Thirty-six

“Ouch!” daing niya nang matalsikan ulit ng mantika mula sa pinipiritong tinapa.

She really want to get mad. It's just their fourth day in Arnie's house at inutusan na siya nito na magluto ng agahan. She refused to do it but he demanded that she should fulfill his wife duties.

'Wife duties my ass..'

She doesn't know what to do with her life anymore. Mabilis ang mga pangyayari na pakiramdam niya'y lumipas na lang ang mga araw na hindi niya namamalayan. Kailan lang ay mahigpit ang pagtanggi niya na makasal kay Arnulfo ngunit heto na siya ngayon at pinagsisilbihan ang asawa niya.

Mabilis niyang inayos ang mesa nang matapos niyang lutuin ang tinapa. Any moment from now ay maaring bumalik na si Arnie. Nagpaalam lang ito sa kanya na may sasaglitin lang daw sa labasan.

Saktong kakaupo niya lang sa mesa nang madinig niya ang mga yabag ng asawa. Pinanood niya itong magpalit ng tsinelas nitong pambahay hanggang sa paglapit nito sa mesa. Muntik na din siyang mapangiti ng ngumiti ito nang makitang nakahanda na ang mesa. There is satisfaction in his smile. And she somehow felt proud at what she did.

“Wow.. This is one of the wonderful benefits of having a wife. There's someone to prepare the food.” sabi nito at tumabi na sa kanya sa pagkakaupo.

“You could've hired a helper.” she said sarcastically.

“Na-ah. Masyado lang dadali ang mga gawain mo.” he answered and chuckled a bit.

“I swear, Arnulfo.. Hinding hindi mo ako mapaglalaba ng mga damit mo.” angil niya dito.

“It's okay. I can do that.” sagot nito at ngumiti sa kanya habang nilalagyan nito ng pagkain ang plato niya.

She uttered her thanks and started eating their breakfast. Napatigil lang siya ng hinawakan nito ang isang kamay niya. He's stared at the red spots in the back of her hand and on her arm.

“Bakit kasi gusto mo nitong tinapa? Ang sakit kaya matalsikan ng mantika.” maktol niya.

Agad namang tumayo si Arnulfo at pumasok sa kwarto nila. Pagbalik ay may dala na itong ointment at pinahidan ang mga paso niya.

“Hindi ko naman alam na hindi mo maiisilang takpan yung frying pan. Para saan pa at may takip iyon kung hindi mo naman gagamitin..”

“So, kasalanan ko pa talaga?” angil niya.

“Hindi naman, mahal.. Kasalanan ko kasi hindi ko sinabi sayo.” natatawang sagot nito at hinalikan siya sa pisngi. Nawala tuloy sa isip niya ang sasabihin.

“Kain na tayo.. Mas lalong sumarap tuloy sa panlasa ko ang agahan natin dahil alam kong pinaghirapan mo.” he said and smiled at her. She couldn't help but to smile back at him.

Pinanood niya ang itong maganang kumain. Hindi mawala ang ngiti nito. At tuwing mahuhuli nitong nakatingin siya ay mas lalong ngumingiti pa ito.

Is this how my mornings will be for the rest of my life?

“Stop staring at me.. Pakiramdam ko tuloy mas gusto mo ako kesa sa pagkain na nasa harap mo.”

“Keep on dreaming, Arnulfo.” sagot niya at ipinagpatuloy na ang pagkain.

“Nagde-deny pa.. Nga pala. Aalis tayo mamaya. Sa bahay na lang nina Bryan tayo magla-lunch. We will visit their baby. Tsaka para din naman makalabas ka. Hindi yung nandito ka lang sa bahay maghapon kaharap yang laptop mo at cellphone.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JEWELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon