JEWEL
Chapter Twenty-seven
"Miss Kaye, Miss Cath is here right now. She wants to see you daw po. Wala naman po siyang appointment with you for today."
Napatigil siya sa binabasa nang madinig si Meg sa intercom. Pinuntahan pa talaga siya ng kaibigan para lang marahil ay tuksuhin muli.
"Okay, send her in. Thanks, Meg." sagot niya.
Pagkasabi niya noon ay bumukas agad ang pintuan ng opisina niya at pumasok ang kaibigan niya. Catherine is wearing a body hugging red dress that emphasizes her curves. The silver stilletos that she's wearing matches her dress well. For sure, pinagtinginan na naman ito ng mga empleyado nila sa daan papunta dito sa floor ng opisina niya.
"Catherine, what a pleasant surprise. What brings you here?" tanong niya.
"Wow. I can really sense the excitement in your voice. Ano ka ba, magkunwari ka namang natutuwa na makita ako." Cath said and sat on the couch in her office.
Tumayo siya mula sa swivel chair niya at lumapit sa kaibigan. Siguro ay nabo-bore na ito kaya naisipan siyang puntahan.
"I am happy." she said and smile a little. "So, tell me.. Ilang leeg ng mga male employees ang halos mamilipit sa pagtingin sa iyo?"
Catherine just rolled her eyes at her. Nag-cross legs pa ito bago pinasadahan ng tingin ang buong opisina niya.
"There's nothing enjoyable here in this room? Bakit kontento ka na palaging nandito?"
"Simply because I have work to do. That's what keeping me busy." sagot niya.
"I can't believe you'll really enjoy this. You know, business and stuffs.." sabi ng kaibigan niya na tila ba nandidiri ito ng sinabi nito ang salitang business.
"Bakit naman? You know, why don't you try helping Tita Sam in your furniture business? Malay mo, mag-enjoy ka din."
"Dhuh! Mag-aasawa na lang ako at yung magiging asawa ko ang bahalang tumulong sa kanila sa negosyo. We're girls. We shouldn't do business. All we have to do is to stay pretty, find an eligible guy whom we will marry, start a family, and be a good wife and mother." sabi nito sa kanya.
"So, may wedding plans na ba kayo ni Cole?" tanong niya dito.
Bigla namang nag-seryoso ang mukha ng kaibigan niya dahil sa tanong niya. She knows that look very well. It only means na hiwalay na naman ito at ang boyfriend nito.
"Cole and I are over." sagot ni Cath na tila ba presyo ng damit lang ang sinabi nito.
"Again? Bakit walang tumatagal sa iyo na boyfriend?"
"Because boys are manipulative. Konting pagmamahal na ipakita mo, akala na nila kaya ka na nilang hawakan sa mga palad nila. They are so demanding! Bawal ang ganito, bawal ang ganyan. They tend to be so possesive pa. Nakakasakal!" reklamo nito.
"Possesive because Cole loves you. Hindi naman siguro magkakaganun yung tao kung hindi ka lang mahal."
"Nope. Over possesive. Like, ugh! Basta! He's so irritating! Akala naman niya I can't live without him. Excuse me, I lived my life without him before, so hindi siya kawalan."
Sasagot pa sana siya sa kaibigan ng bumukas muli ang pintuan ng opisina niya at pumasok ang kapatid niya. Nakita pa niya kung paano umingos ang kaibigan niya pagkakita kay Jigger.
"Oh, Catherine, you're here?" Jigger said.
"Obvious ba?" sagot naman ni Cath at inayos ang pagkakaupo.
![](https://img.wattpad.com/cover/39785685-288-k766325.jpg)