JEWEL
Chapter Seventeen
"Jewel, bangon na!"
I dismissed the sound and buried my face deeper into my pillow. I want to sleep more. Parang gusto kong matulog na lang maghapon.
"Jewel Kaye! Ano ba, tanghali na! Bumangon ka na diyan. Pag hindi ka pa lumabas diyan within 5 minutes, papasukin na kita diyan."
Nayayamot na bumangon ako at kinuha ang towel. Padabog na binuksan ko ang pinto ng kwarto.
"Good morning!" Arnulfo greeted me with his sweetest smile so far.
"Anong maganda sa morning? Ang ingay mo. Hindi ba ako pwedeng mag-extend ng tulog ko?" nakasimangot na tanong ko sa kanya.
"Hindi po pwedeng mag-extend e. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka po sa akin sa bakery."
"Fine. Maliligo na ako." padabog na sabi ko. Kinuha ko sa loob ng kwarto ang bihisan ko at nagmartsa papunta sa banyo.
"Hep hep. May nakakalimutan ka po ata, mahal na prinsesa." sabi ni Arnulfo habang nakaharang ang kamay sa pintuan ng banyo. Buti hindi ko naisara agad. Naipit sana ang kamay niya if ever.
"Ano?" Nagtatakang tanong ko.
"Anong ano? Hindi mo man lang ba ako babatiin ng 'good morning'?"
I rolled my eyes. Kahit kailan talaga 'tong si Arnulfo, arte arte!
"Oh eh di, good morning! Alis na diyan." sabi ko at pilit isinasara ang pinto ng banyo.
"May kulang pa din.." nakasimangot na sabi niya sa akin.
"What now, Arnulfo? Paligong paligo na ako!"
Hindi siya sumagot. But he put his face closer to mine at inginuso ang labi ko. I instantly went red at what he is trying to insinuate. Bigla ko tuloy naalala yung eksena namin kagabi. Oh. My. Gosh.
"Ano ka ba, Arnulfo.. Ang aga aga eh."
"Miss, nire-remind lang po kita na mula kagabi, girlfriend na kita."
"Gi..girlfriend?"
"Opo. At boyfriend mo na ako."
"Bo.. Boyfriend?"
"Kelan ka pa naging utal, Jewel?"
Hindi agad ako nakasagot. Iniiwas ko ang tingin ko dahil hindi ko kayang tagalan ang titig niya. Kung alam lang ni Arnulfo na namimilipit na ang intestines ko sa kilig.
"Ano na? Pa-kiss naman ako."
"Grabe, Arnulfo! Mahiya ka nga. Baka makita tayo ni Tatay Noli. Baka kung ano pang isipin niya."
"Nasa labas na siya. Dali na. Isang kiss lang e."
"Ayaw! Alis na diyan. Dali na, liligo na ako."
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo naibibigay ang kiss ko."
"Eh 'di wag kang umalis diyan. Ako pa tinakot mo." Sabi ko at isinabit ko na ang towel sa rack.
"Sige ka, masisilipan kita. Ikaw din.."
Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. He has the nerves to say that?
"Arnulfo, nadidinig mo ba yang sinasabi mo? Grabe ka na ha. Alis na diyan!"
"Madali lang naman akong kausap, Jewel. Isang kiss lang, pwede ka ng maligo."
"Ayaw ko nga! Dali na alis na diyan!" Nanggigigil na sabi ko at pilit isinasara ang pinto ng banyo. Syempre, hindi ko magawa kasi mas malakas siya.
"Bakit ba ayaw mo? Samantalang kagabi-"
"Huwag mo ng ituloy please lang!"
"Oh siya, hindi na. Kiss muna. Isa lang e."
"Ayaw ko nga, Arnulfo."
"Bakit nga ayaw mo?" malambing na tanong niya sa akin.
"Eh kasi.. hindi pa ako nagtu-toothbrush.." nakayukong sagot ko.
"Hahaha. Sus. Yun lang eh. Lika nga dito." he gently pulled me closer and hugged me tight.
"Arnulfo, liligo pa ako.." bulong ko sa kanya.
"Alam ko. May insecurities ka din naman pala." natatawang bulong niya sa akin.
"Grabe ka. Hindi naman ako perfect." sagot ko.
"Talaga? Samantalang nung dumating ka dito, akala mo pag-aari mo na ang mundo."
"Heh! Let's not talk about that. Sige na. Bitaw na. Liligo na ako."
"Isang kiss muna."
"Hay naku, Arnulfo! Tigilan mo ako ha. Sige na. Alis na. Seryoso ako. Ang aga aga, nanlalandi ka."
"Nanlalandi talaga ang term? Sige na nga. Hintayin na lang kita sa labas ha."
I just nodded my head as a response. But before he went out, he gently kissed me on the forehead. Sweet. Si Arnulfo talaga!
While taking a bath, inisip kong mabuti yung sinabi ni Arnulfo. I am now his girlfriend and he's my boyfriend. Nakaka-excite yung thought na we're already in a relationship given na gustong gusto ko talaga siya. And I know, he's genuine about his feelings for me. I can feel it.
But on the other side, medyo naba-bother din ako. I don't know if I can handle a relationship properly. Yes, I've been on relationships before. But they were just for fun. I didn't take them seriously. And this relationship with Arnulfo is different from the others. I don't want this to be just for fun. I want this thing to last. He's different from the others.
And another thing, what if my family disapprove with our relationship? What if they don't like Arnulfo for me? Ang dami ko tuloy tanong. Hindi ko naman iniisip yung mga ganitong bagay dati. Kasi nga, hindi naman seryoso yung mga past relationship ko and they are not worth introducing to my family. But I don't want Arnulfo to be like them. I want to introduce him to my family. Paano kung hindi pala si Arnulfo ang gusto nila para sa akin?
★★★
"Ang tagal mo namang maligo ah." Bungad sa akin ni Arnulfo paglabas ko ng bahay.
"Medyo napatagal nga. Sorry."
"Akala ko nga mamayang hapon ka pa matatapos." Biro niyo sa akin.
"Ahm, Arnulfo.."
"Yes?"
"Sigurado ka ba tungkol sa atin? I mean, tayo na talaga? As in mag-on na tayo officially?"
"Oo naman. Jewel Kaye, tinatanong pa ba yan?" seryosong tanong niya sa akin. I can sense the change of his tone.
"Ano kasi-"
"Don't tell me na nagda-dalawang isip ka? Jewel Kaye, we kissed passionately last night! Kung iniisip mo na balewala lang yun, ibahin mo ako. Iba ako sa mga nakilala mo. Seryoso ako. Nakalimot na nga tayo kagabi eh. Gusto ko lang gawing tama yung lahat sa atin. Ayaw kong isipin mo na tine-take for granted lang kita."
"Alam ko.. I understand. Sorry kung nagtanong pa ako."
"Bakit, Jewel? Ayaw mo ba?" masuyong tanong niya sa akin.
"Hindi sa ganun, Arnulfo. Gusto ko.. Gustong gusto kita. Mahal na nga kita e. Sorry kung nagtatanong ako. This is new to me. Nagsisigurado lang ako."
"Naiintindihan ko.. Bago din lang naman to sa akin eh. Pero isa lang ang sigurado ko, seryoso ako sa nararamdaman ko sayo at gagawin nating tama ito, okay? Huwag ka ng mangamba.." he said and held my hand assuringly.
Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. Siguro saka ko na lang iisipin yung ibang mga bagay. I'll just enjoy this thing between us. Come what may.