JEWEL
Chapter Thirty-five
"Will you wipe away that stupid smile on that face of yours?"
Inis na sabi niya sa kasayaw niya ngayon. They're dancing in the middle of the ballroom with sweet instrumental music playing on the background and hundred pairs of eyes watching them.
Tumawa ito sa sinabi niya at nginisian lang siya. Isa sa mga bagay na ikinaiinis niya dito. Kung di lang nakatingin sa kanila lahat ngayon ay natadyakan na niya ang paa nito at iniwan na sana niya ito sa gitna ng ballroom na yun.
"Bakit ang init na naman ng ulo mo? Para ka namang buntis. I can only imagine kung paano mo na lamang ako pagsusupladahan pag nagbuntis ka na talaga."
"You wish.." asik niya.
"Smile, my wife. Sige ka, gusto mo bang makita mong naka-simangot ka sa mga wedding pictures at videos natin?"
Automatic namang napangiti siya. Takot lang niyang pumangit sa mga pictures. Lumawak lalo ang ngiti ni Arnulfo nang makita siyang ngumiti. Kung titingnan sila sa malayo ay mukha silang in love na in love sa isa't isa. Pero ang totoo, gustong gusto na niyang tadyakan at sikmuraan ang kasayaw niya.
Napatingin siya sa kamay niyang nakadantay sa dibdib ng kasayaw. Their wedding ring on her finger shone. She still can't believe it. More than two weeks ago, isinumpa niyang hindi siya magpapakasal sa kahit na sinong lalaki. Pero eto siya ngayon sa wedding reception ng sariling kasal at nakikipag-sayaw sa ngayon ay asawa na niyang si Arnulfo.
That fateful day na hinayaan niya ang sarili niyang magpaagos at tumugon sa mga halik ni Arnulfo ang tatapos pala sa single life niya.
They were kissing passionately that time. She kissed him back with the equal need and intensity. She was groping him at his nape and he was squeezing her waist when they heard gasps from the door. Agad silang naghiwalay ni Arnulfo at napatingin sa pinto. And there, they saw her parents with Jigger. Her parents were still im shock while Jigger is smiling mischievously at them.
Kinausap agad sila ng magulang niya na dapat makasal agad sila sa lalong madaling panahon.
"I won't let another steamy kissing moment from the both of you unless you're already married. Jewel, I thought you hate Arnulfo? Bakit halos ubusin mo na ang labi niya?" her mother said.
Hindi siya makapagsalita ng mga oras na iyon. Ano pang dapat niyang sabihin? Hindi naman niya maitatanggi ang nakita ng mga ito dahil huling huli naman sila sa akto. Isa pa, obvious naman yun sa pamamaga ng mga labi nila. Nang gabing iyon ay pinauwi na siya ng magulang sa bahay ng mga ito. Dumating din ang tatay ni Arnulfo para pag-usapan ang magiging kasal nilang dalawa.
It all happened so fast. Nalathala ang date ng magiging date ng kasal nila. Ang magiging entourage at kung sino ang magiging designer. Hinayaan niya lang si Arnulfo at mga magulang niya sa preparation ng kasal. Arnulfo insisted in paying for all the expenses. But her parents refused dahil nag-iisang anak lang siyang babae kaya't kailangan din nilang gumastos.
She was amazed how reliable their wedding organizers are. In a span of two weeks ay nagawa nilang posible ang ganitong ka-engrandeng kasal. Namalayan na lang nga niya ang sariling sumasagot ng "I do" sa paring nagkasal sa kanila.
"Tulala ka na naman." naagaw ni Arnulfo ang isip niya.
"May iniisip lang ako." sagot niya.
"Ano namang iniisip mo? Don't tell me..." tukso nito sa kanya. Nung una'y hindi niya makuha ang iniisip nito. Ngunit nang maramdaman niya ang marahang pagpisil nito sa bewang niya at sa paghaplos nito sa braso niya ay na-gets na niya ang gusto nitong iparating.