Chapter 12

361 19 7
                                    

JEWEL


Chapter Twelve



"Oh ikaw muna ang magbebenta ha. Tutulong muna ako sa loob. Nakalista naman diyan kung ano ang mga presyo. Pag may di ka alam, itanong mo na lang sa akin sa loob. Bilangin mong mabuti yung isinusukli mo ha."

"Yes, boss." Sagot ko. Nagkataon kasing hindi nakapasok yung isang helper nila dahil sa trangkaso. Siya na muna ang tutulong sa loob tapos ako naman ang saleslady/cashier. Sabi na eh may silbi din ang pagsama ko dito.

"At lagi kang ngingiti sa mga costumer. Wag kang magtataray." Bilin pa niya.

"Oo na nga." Sagot ko.

Excited akong magtinda. First time ko kasi. Atleast magkakaroon ako ng experience sa larangan ng 'marketing'.

"Aba'y may bago palang tindera dine. Aba'y kaganda eh." Sabi nung matandang babae. She said that with a thick Batanguenyo accent.

'Be nice.' Bilin ni Sungit sa akin kanina.

"Hehe. Salamat po."

'Gumamit ka ng "po" at "opo" sa mga nakakatanda.'

"Ano pong bibilhin niyo?"

"Ala'y benteng pan de sal laang. Kami laang naman ng asawa ko ang kakain eh tama na yun."

Kumuha ako ng pan de sal dun sa estante at inilagay sa plastic.

"Eto na po."

"Salamat, ineng. Are ang bayad. Ngay-on laang kita nakita. Ikaw ga eh taga- saan?"

"Hmm. Taga-Manila po ako. Nagbabakasyon lang po ako dito."

"Ahh.Kapalad naman ni Arnie at nakakuha ng magandang tindera. Ay siya sige. Ako'y uuna na. Salamat, ineng. Bukas ulit."

"Sige po. Salamat din po."

Ilang minuto pa lang ang nakakaraan, may sumunod na ulit na costumer.

"Pagbilhan!" sigaw nung babae. Nagkataon namang may nilimot ako kaya siguro hindi agad ako nakita dahil natatakpan ako ng estante.

"Ano yun?"

"Ay sus ginoo! Nagulat naman ako eh. Pagbilhan nga ng pan de agua. Tatlong balot. Nasaan si Arnie?"

"He's inside." Sagot ko na lang. Hindi ko kasi gusto ang aura ng babaeng ito. At lalong hindi ko gusto kung paano niya ako tingnan na para bang sinusuri niya ako.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Yung plastic na may laman ng binili niya eh ipinatong ko sa ibabaw ng estante. Di ko feel iabot sa kanya. Bahala na siyang kumuha.

"Baguhan ka lang dito. Kelan ka nag-apply? Kung alam ko lang na kailangan ng tindera dito, ako na lang sana ang nag-apply.." mataray na sabi nung babae.

Nag-iinit ang ulo ko. Kung pwede lang, nakalmot ko na sana ang mukha niya.

"Actually, I'm not an employee here. I'm just helping. And besides, kung kailangan ng tindera dito, dapat may pleasing personality. And I'm afraid, hindi ka papasa." Sagot niya.

"Aba't.. Hoy, kahit English yung sinabi mo, naintindihan ko pa din yun. Hmpt. Isusumbong kita kay Arnie." Sabi nung babae at nag-walk out na pagkatapos ipatong yung bayad niya sa ibabaw din ng estante.

'Eh di magsumbong siya.'

Infairness din naman dito sa bakery na ito, maraming bumibili. Kahit na parang yung iba eh napilitan lang bumili para makita ako. Oo. Nadinig ko kasi dun sa isang bumili na totoo daw palang may bagong tindera si Arnulfo.

JEWELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon