Chapter 5

432 20 0
                                    


***Let's get connected!
Facebook: www.facebook.com/cabraljulierose
Instagram: @juliecabs

JEWEL


Chapter Five

Damang dama ko ang mga mata nila sa akin. Buti ba kung pamilya ko lang ang nakatingin sa akin. Ang masaklap, pari lahat ng maids at guards namin, nakatingin din sa akin. Bakit kasi dito pa ako sa living room dinala ni Papa. Pwede namang sa room na lang nila nina Mama para kami kami na lang ang nakakadinig.

"Can I just go to my room now?" Naiinis na sabi ko.

"No. Dito tayo mag-uusap, Jewel Kaye."

"So, bakit andito lahat ang mga katulong na yan? I'm not a freaking teleserye na dapat nilang panoodin." Tiningnan ko ng masama ang mga katulong namin. Mukha naman silang nahiya dahil napayuko sila.

"Dahil kadamay din sila dito. Kung hindi ka namin naabutan ng mama mo kanina sa labas, yang mga katulong na yan na sinasabi mo ang mawawalan ng trabaho."

"And so? Eh di humanap sila ng ibang trabaho. Ang dami dami namang mayayaman diyan na pwede nilang pagsilbihan."

"Jewel Kaye! Enough of your rants! I can't believe na lalaki kang matigas ang ulo at bastos! Hindi mo na iginalang sina manang. Mas matanda sila sayo. Give them a liitle respect." Sigaw ni Mama.

"Respect my ass.." bulong ko. Bakit kailangan pa nila akong ilagay sa hot seat? Hindi naman ako natuloy sa pag-alis ah. What more pa kung natuloy ako sa party ni Sab?!

"Alam mo ba kung paano namin ginagawan ng mama mo at ng kapatid mo ng paraan na hindi pag-pyestahan ng media ang ginawa mong pagbugbog sa anak ng Bise Presidente? Konting konsiderasyon naman, Jewel. If you think, you are being deprieve of your rights, then isipin mo kung ano ang mga consequences ng mga ginagawa mo.. Kung nakatakas ka kanina, lahat ng tao dito ay mawawalan ng trabaho dahil ibinilin ka namin sa kanila.. Kung mawawalan sila ng trabaho, pano na lang ang mga pamilya nila na umaasa sa kanila? Hindi mo yun naiintindihan syempre dahil masarap ang buhay mo. You don't care how much money you are spending with all your vices dahil hindi ikaw ang nagpapakahirap sa mga perang ginagastos mo. My God, Jewel! Bakit ka lumaking ganyan? Ibinibigay nsmsn namin sayo ang lahat ah..."

"Hindi ko yun hiningi, Pa. Kusa niyong ibinibigay sa akin yun." Katwiran ko.

Natahimik si Papa at napatingin na lang sa akin. Obvious na obvious ang disappointment sa mukha niya. Si Mama naman, tahimik lang na umiiyak sa tabi ni Papa. And I hate it. I hate it when I see my mom cry. Umiiyak siya ng dahil sa akin. At gusto kong makonsensya dahil dun. Kahit kailan, hindi siya napaiyak ni Jigger. Ako lang ang nakapagpa-iyak sa kanya..

"Then, you're leaving me with no choice.. Ipadadala kita sa Batangas bukas. You'll stay there for 100 days. Lahat ng gadgets mo, iiwan mo dito sa bahay. Including your cellphone. Wala kang dadalhin na mamahalin mong damit at sapatos. You'll live a normal life there gaya ng kung paano nabubuhay ang isang tipikal na probinsyana."

"What?! Anong gagawin ko dun? Bakit kailangan ko pang iwan ang mga gamit ko? How can I survive a day without them? Gosh! I can't believe this is happening! Ma, do something!"

"Johann, hindi ba parang masyadong matagal ang 100 days? Matagal kong hindi makikita ang anak natin.."

"Hindi, Kelly. Dapat lang yan para magtanda yang anak mo. At wag mo masyadong isipin yan. Kapag nga umaalis yan ng bansa ng ilang linggo, naaalala ka ba niyan? Ni hindi ka nga niyan tinatawagan man lang. Matanda na yan, hayaan mong matuto siyang magpakatanda. Now, if you'll excuse me. Aakyat na ako. Baka ikamatay ko pa ang kunsumisyon."

JEWELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon