JEWEL
Chapter Eleven
Madami ng nagbabago. Sabagay, mag-iisang buwan na din ako dito sa Nasugbu. Hindi na naulit yung paggala namin ni Sungit. Pero sapat na yun para kahit papaano eh magbago ang tingin ko sa pamumuhay nila.
I had so many realizations.. Nakita ko kasi kung gaano niya tutukan yung maliit na business nila. Samantalang sa amin, si Jigger at si Papa lang ang namamahala sa lahat. I realized how much a burden I am to them. Dapat nga naman eh tumutulong ako sa kanila. But instead of doing that, naging sakit pa ako sa ulo.
Medyo bumait na din sa akin si Sungit mula nung magkaroon ako ng allergy sa kamay. Pilitin ba naman akong maglaba eh sinabi ko na nga na allergic ako sa detergent. Akala niya nag-iinarte lang ako. He forced me to wash my clothes dahil hindi daw niya ako ipaglalaba. At dahil sa iyamot ko sa kanya, napilitan ako maglaba kahit na hindi ako maalam.
He panicked when he saw my hands getting red. And there were also little bruises on my fingers because of scrubbing. Actually, sobrang nahahapdian na ako nun. Di lang ako makareklamo kasi bubulyawan na naman niya ako. Nung hindi ko na talaga kaya, umiyak na ako. Yes, umiyak ako dahil sa paglalaba.
Yung mga kamay ko kasi, namaga. They were red and swollen. I really cried in front of him and I blamed him for doing that to me.
Panay ang sorry niya. He even washed my hands with clean water. Siya na din yung nagtuloy ng paglalaba ng mga damit ko. He even washed my undies. Hindi man lang siya nagreklamo. Kahit na parang nahihiya naman ako na lalaki pa yung naglaba ng mga underwear ko.
Pero ang cute niya habang poker faced siya sa pagsasampay ng mga panty ko. Alam kong napilitan lang talaga siya dahil pagkatapos niyang maisampay lahat ng damit ko, sinabi niya na ipapa-laundry na lang daw niya ang mga damit ko sa susunod.
At ang isa pang improving eh nakakausap ko na siya ng matino. Yung hindi niya ako binubulyawan at pinag-susungitan. Kagaya ngayon..
"Hoy, Arnulfo. Ang daming bunga ng mangga niyo oh. Bakit hindi niyo kinukuha?" Tanong ko sa kanya habang nakatambay kami sa may labas ng bahay.
"May kumukuha niyan. Ibinebenta lahat yan eh. Wala namang mahilig kumain niyan dito kaya mas mabuti ng ibenta yung bunga."
"Anong gagawin nila sa mga manggang yan eh ang dami kaya."
"Ibinibenta din nila sa Divisoria. Gusto mo ba ng mangga?"
"Hmm. Pwede ba akong kumain niyan? Para kasing kanina pa ako nangangasim. Hehe."
"O sige. Ikukuha kita." Tumayo siya at naghubad ng tshirt niya sa harapan ko.
Automatic na iniiwas ko ang tingin ko. Nakabalandra na naman kasi ang katawan niya. Iniabot niya sa akin ang tshirt niya para hawakan.
Nung paakyat na siya ng puno, inamoy ko yung tshirt niya. Grabe, ang bango. It smell of musk and sweat. I didn't know that it was a good combination.
"Mag-iingat ka ha!" Sigaw ko sa kanya nung nasa taas na siya ng puno. He looked down at me and gave me a smile. It was the first time that he smiled at me like that. At parang gumaan yung loob sa ngiti niyang yun.
'Am I having a crush on him? No! Hindi pwede. Nagkataon lang siguro dahil siya lang lalaking nakikita ko lagi. Kaya hindi talaga pwede..'
"Oh eto na ang mangga mo." Napatingin ako sa kanya. Hindi ko na namalayang nakababa na pala siya.
Iniabot niya sa akin ang tatlong mangga na nasa isang kumpol lang. Talagang tatlo pa ha. Ibig sabihin ba nun eh , I love you?
"Baka isipin mo, I love you ibig sabihin niyan. Hindi ha. Nagkataon lang." Sabi niya sa akin habang isinusuot niya uli ang tshirt niya.
"Huh? Wala akong sinasabi." Nakangising sagot ko at pumasok na ako sa loob ng bahay.
---------
"Dali naman na, Arnulfo.. Please.. Isama mo na ako. Bored na bored na ako dito."
"Hindi naman kita maiintindi dun. Tsak mas mabo-bored ka din dun kasi wala kang gagawin dun."
"Kahit. Mas gusto ko pa din dun. Sige na. Please.." pakikiusap ko sa kanya.
"Sige na anak.. Isama mo na at nakakaawa din naman yan dito." Sabi naman ni Tatay Noli.
"Tay, pag isinama ko yan edi wala kayong kasama dito." Sagot naman ni Sungit.
"Ay kaya ko pa naman. Malakas pa naman ako. Tsaka sanay na din naman ako na wala akong kasama."
"Oh yun naman pala eh. Isama mo na ako ha.."
"Hay naku! Sige na nga. Wag kang magrereklamo dun ha."
"Oo. Promise." Tuwang tuwang sabi ko at pumunta na ako sa kwarto para magpalit ng damit.
Paglabas ko eh naghihintay na si Sungit sa labas. Excited akong umangkas sa motor niya. At gaya nung nakaraan, nahihipo ko na naman ang abs niya.
Nagtitinginan na naman sa amin yung mga taong nadadaanan namin. Lalo na yung mga babae.
"Arnulfo, pinagtitinginan ka ng mga tao." Sabi ko sa kanya nung makarating na kami sa bakery nila. Hindi daw kami pupunta sa bakery nila sa bayan dahil galing na daw siya doon kahapon. Sayang naman. Gusto ko pa man din dun kasi may aircon.
"Hindi ako ang tinitingnan nila.. Ikaw." Sagot naman niya.
"Ako? Bakit ako?"
"Eh kasi baguhan ka dito.. Bukod dun, maganda ka."
Pakiramdam ko may mga paru-parong nakaalpas sa sikmura ko. Sanay na akong nasasabihan na maganda. Pero bakit nung siya ang nagsabi pakiramdam ko mas lalo pa akong gumanda.
"Talaga? Ikaw ba, Arnulfo.. Nagagandahan ka ba sa akin?" Tukso ko sa kanya.
I saw him blushed. Grabe. Tinatanong ko lang naman kung maganda ako ah.
"Hindi." Sagot niya sa akin.
"Asus! Nahiya pa siya eh. Sasabihin lang kung maganda ako o hindi eh.." natatawang sabi ko at nagpa-cute pa ako sa harap niya.
"Oo na, maganda ka..." sabi ni Sungit. And it was my turn to blush. "..Pero hindi pa rin kita type."
Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. Ayos na sana eh. May pahabol pang ganun. Kunwari pa siyang hindi niya ako type. Hmp!
'Humanda ka, Arnulfo! I'll make you fall in love with me.'
![](https://img.wattpad.com/cover/39785685-288-k766325.jpg)