Chapter 8

406 17 4
                                    


JEWEL


Chapter Eight



Second day. Masakit pa din ang likod ko paggising ko. Kailan kaya ako masasanay?

Gaya ng ginawa ko kahapon, pumili ulit ako ng susuotin ko para sa araw na yun. Sayang nga ang mga outfit ko eh. Di man lang nae-expose sa ibang mga tao.

May nakahanda na ulit pagkain sa mesa nung napadaan ako papunta sa banyo. Pero wala ang matanda. Siguro bumalik sa kwarto niya. Mamaya ko na siya hahanapin pagkatapos ko maligo.

"Hoy!"

"Ay shit!"

Nagulat talaga ako ng pagbukas ko ng pinto ng banyo eh may naliligo pala doon. And what's disturbing was he was completely naked! And.. I saw everything! Geez!

"Ahhhhhhhh!!" Tili ko at tumakbo papunta sa salas ng bahay.

Ano yung nakita ko?! Bakit ganun ang hitsura nun?! Yun na ba talaga yun?!

Pakiramdam ko magha-hyperventilate ako sa nangyari.

"Bakit? Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?" Tanong ng matanda na napalabas ata ng kwarto niya dahil sa sigaw ko.

"Uhm.. There's someone on the comfort room. Hindi ko siya kilala.."

"Ay si Arnulfo yun. Ang anak ko. Dumating siya kagabi kaso eh tulog ka na."

'Arnulfo? Anong klaseng pangalan yun?'

At timing naman na bumukas yung pinto ng banyo at lumabas yung lalaking nakita ko kanina. Fortunately, nakadamit na siya ngayon.

"Sorry, Miss. Hindi ko pala nai-lock ang pinto. Arnulfo nga pala.." nakangiting sabi niya sa akin at naglahad ng kamay.

"Ahh.. Jewel Kaye." Sagot ko na lang at nakipag-shake hands.

There's something weird in the way he stares. Parang gustong magtaasan ng mga balahibo ko sa katawan. Nagdiretso na lang ako sa banyo para maligo. Sinigurado kong naka-lock ang pintuan para hindi naman maulit yung nangyari kanina.

Nakadulog na sa mesa yung mag-ama nung lumabas ako ng banyo. Parang ako na lang ang hinihintay bago sila kumain.

"Halika na dine, ineng. Sabay sabay na tayong kumain."

"I'll just bring these things in my room." Sagot ko. Parang nakita ko pang napangisi si Arnulfo dahil sa sinabi ko. Anong problema ng taong yun?

Binilisan ko na ang kilos ko at bumslik agad ako sa kusina. Mahirap na, buti kung yung matanda lang ang kasama ko kaso eh andito na yung anak.

"Bilisan mo, prinsesa."

Tinaasan ko lang ng kilay si Arnulfo. The nerve! I don't like the tone of his voice.

Kukuha na sana ako ng pagkain kaso tinampal ni Arnulfo ang kamay ko.

"Ouch! Why did you do that?!"

"Hindi ka ba nagdadasal bago kumain sa inyo? Kasi dito, nagdadasal kami bago kumain para magpasalamat sa pagkaing nasa hapag kainan."

"Pero hindi naman kami nagdasal kahapon ah!" Depensa niya.

"Pwes, mula ngayon, magdadasal tayo bago kumain. Tapos."

"At sino ka naman para diktahan ako kung ano ang dapat kong gawin?"

"Aba, mahal na prinsesa. For your imformation ho, ipinagbilin ka sa akin ng daddy mo. Ang kabilin bilinan niya, wag na wag kang ta-tratuhing prinsesa. Dapat matuto kang mamuhay gaya ng isang karaniwang tao. At wag na wag daw naming ito-tolerate yang katigasan ng ulo mo."

JEWELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon