Chapter 22

222 7 0
                                    


JEWEL

Chapter Twenty-two

The sky is in its bluest today. Dito sa probinsya ko lang na-appreciate ang langit, ang nature, ang katahimikan.. Ewan ko kung paano ako nakaka-survive sa maingay, polluted at stressful na buhay sa Manila.

Dito sa province, mas naa-appreciate ko ang buhay. Time seems to fly by slowly that it made me think some stuffs about my life. Mas nakakapag-reflect ako ng mga issues ko sa sarili ko.

Paano na lang kaya kapag bumalik na ako sa Manila?

"Lalim ng iniisip natin ah.. Baka malunod ka na niyan."

I smiled when I heard his voice. Kahit na hindi ako lumingon sa kanya, ramdam kong malapit lang siya sa akin.

"Hindi naman. I'm just thinking about some things.."

"Ano namang iniisip mo?" he asked teasingly and knelt in the ground beside me. Kasulukuyan akong nakahiga sa duyan sa may ilalim ng punong mangga.

"Iniisip ko lang na mami-miss ko ang environment dito once na bumalik na ulit ako sa amin."

Nawala ang mga ngiti sa labi niya sa sinabi ko. Napansin ko ang biglang pag-seryoso ng mukha niya na para bang bumanggit ako ng isang topic na iniiwasan niya.

"Huwag mo na munang isipin ang bagay na yun. Mag-enjoy ka na lang muna. Gusto mo bang ipasyal ulit kita bukas?" tanong niya at ngumiti uli siya sa akin na tila ba kinukumbinsi ako.

"It's fine with me. Gusto ko sanang mag-beach. I know na maraming beaches dito." I said excitedly.

"Okay. Masusunod ang mahal na prinsesa. Magbi-beach tayo bukas."

Dahil sa excitement ko sa pagpunta namin sa beach kinabukasan ay nawala na sa isip ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin. Dumating na din si Tatay Noli kaya kahit papano ay nagkaroon ako ng ibang kausap maliban kay Arnie.

It was 3 o'clock in the afternoon at magkakasama kaming nanonood ng movie sa DVD player nila ng tumunog ang cellphone ni Arnie. His expression went stiff ng makita niya kung sino ang natawag sa kanya. He excused his self from us at lumabas ng bahay upang doon siguro sa labas makipag-usap sa kung sino ang tumatawag sa kanya. Maybe, the call is something very important and he doesn't want any distraction.

Halos patapos na yung movie ng bumalik si Arnie sa loob ng bahay. I think, it took him half an hour to talk to whoever called him. He also seem agitated. It looks like something is bothering him.

"Hey, you okay? May problema ba?" di ko napigilang tanong sa kanya.

"Ah, wala.. Wala naman." sagot niya at bahagyang ngumiti sa akin. Though he smiled, di pa rin ako kumbinsido sa sinabi niya. At nung napansin kong mataman din siyang tiningnan ni Tatay Noli ay tila gusto kong kabahan.

Hanggang matapos ang movie at hanggang sa hapunan ay tahimik lang si Arnie. Sumasagot lang siya tuwing tinatanong ko. He's in his unusually quiet self. Madalas ko din siyang napapansin na tumitingin sa akin. At sa tuwing mapapansin ko yun ay ngingitian ko lamang siya. Ngumingiti din naman siya pabalik sa akin, pero parang hindi umaabot sa mata niya ang ngiti niya.

Baka may personal lang siyang problema na hindi ko pwedeng panghimasukan kahit pa girlfriend niya ako.

Before we parted that night, niyakap lang niya ako saglit at sinabihang matulog ng maaga para sa pupuntahan namin bukas. I asked him again if something is bothering him.

"Wala. Mahal na mahal kita, lagi mong tatandaan yan." he answered.

That night, nakatulugan ko na ang pag-iisip dahil sa inakto ni Arnie buong hapon. There's a part of me that's telling me not to over think things. Pero may parte din na gustong kabahan sa inaakto niya.

JEWELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon