JEWELChapter Sixteen
It's true. Totoo ang mga nababasa ko sa kung ano anong libro na ganito ang feeling kapag pumapag-ibig na ang isang tao.. Ang gaan gaan ng pakiramdam sobra. Mas magaan pa kesa sa pakiramdam ko kapag nabibili ko yung mga bagong designs ng bags at shoes ang favorite brands ko.
Si Arnulfo kasi.. Siya talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito. After that kiss in the rain, mas lumalim ang samahan namin. Kahit wala kaming official na usapan tungkol sa real score sa pagitan namin, feeling ko eto na talaga eh. What we see is what we get.
"Ano na naman ang ini-imagine mo diyan?" Napalingon ako kay Arnie. Andito kami ngayon sa bakery. Ayaw ko nga sanang sumama kasi ang bigat ng pakiramdam ko. Tamad na tamad nga akong bumangon. Nahihiya lang ako na mag-over stay sa higaan ko dahil gising na sila ni Tatay Noli.
"Nothing.." matamlay na sagot ko.
"Aysus.. Alam kong ini-imagine mo na naman yung ginawa natin sa ilalim ng puno dun sa palayan." Nanunuksong sabi niya sa akin sabay kindat pa.
"Huy, wag ka nga. Baka may makadinig sa sinasabi mo, isipin na may milagro tayong ginawa dun.." saway ko sa kanya.
"Oh, eh gumawa naman talaga tayo ng milagro eh."
"Shut up. Baka isipin ng makakadinig na nag-sex tayo sa ilalim ng puno habang umuulan."
"Ssshhh.. Ano ka ba, Jewel. Baka may makadinig sa sinasabi mo." Saway naman niya sa akin at tinakpan pa ang bibig ko.
"Eh totoo naman."
"Siya, tama na ang topic na 'to. Halika, mag-merienda na tayo."
"Ayaw ko. Wala akong gana eh." Sagot ko at umub-ob ako sa table na may drawer ng pera sa ilalim.
"Wow. Bago yan ah. Tumatanggi ka na sa pagkain ha. Nananawa ka na ba sa mga tinapay dito?"
"Hindi naman. Para kasing may gusto lang akong kainin na iba." Sagot ko. Totoo naman yun. Para kasing naghahanap ako ng ibang pagkain. Epekto siguro ng palapit na menstruation ko. Nagkakaroon talaga ako ng weird cravings 'pag malapit na akong magka-period.
Kumuha ng upuan si Arnie at tumabi sa akin. Dahil nga nakaub-ob ako, kailangan pa niyang lumapit talaga sa akin.
"Jewel.."
"Hmmm?"
"Sa tingin mo ba, nakabuo na tayo ng baby?" Bulong niya sa akin. Napamulat ako at napatunghay sabay pingot sa tenga niya.
"Aray! Binibiro lang eh." Sabi niya sa akin habang kakamot kamot aa ulo.
"Kung makapag-biro ka kasi. May baby ba na nabubuo ng dahil sa kiss? Naku, Arnulfo talaga!"
"Sorry naman. Haha. Ano bang gusto mong kainin?"
"Hindi ko nga alam eh." Sagot ko at yumupyop na akong muli sa mesa.
"Osige, ganito na lang. Maiwan ka na lang dito. May pupuntahan lang ako saglit ha."
"Sandali. Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya habang nakahawak ako sa braso niya.
"Sa bayan. Bibili lang ako ng pagkain mo. Para makapag-merienda ka na. Kinakapoy ka na ata eh."
Napangiti ako sa kanya. Ang bait naman ni Arnulfo. Ang thoughtful.
"Okay. Babalik ka agad ha. Bilisan mo." Bilin ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at kinuha ang susi ng motor niya.
Gusto kong malungkot. Ngayon lang siya aalis ng hindi ako kasama. Lagi na kasi kaming magka-buntot kahit nung hindi pa kami nagki-kiss.