Chapter 9

406 14 1
                                    

***Hello kay @simpleone14315!
Thank youu! Hehe


JEWEL


Chapter Nine



"Hoy, bangon na."

Nagkunwari akong tulog pa. Actually, kanina pa niya akong kinakatok pero hindi talaga ako bumangon. Hindi ko talaga feel yung sinabi niyang ngayon ang umpisa ng training ko sa gawaing bahay.

At dahil sa hindi ako bumangon para pagbuksan siya ng pinto, nagkusang loob na siyang pumasok sa kwarto. Hindi na nakakapagtaka na makapasok siya kahit ini-lock ko ang pinto. Kwarto niya ito eh so malamang may susi siya.

"Hoy! Sinabi ng bumangon na eh." Sabi pa niya din ang hinila hila pa ang paa ko.

'Lalala. Wala akong nadidinig.. Lalalalala.'

"Ayaw mo pa bumangon ha." Sabi niyat hinila ang kumot na nakabalot sa akin.

Bago ko pa napigilan yung kumot eh nahila na niya.

"Ay shit. Sorry!" Sabi niya sabay talikod.

"Ano ka ba ha? Lumabas ka nga dito! Sa bahay nga namin, hindi ako pinapasok ng mga katulong namin tapos ikaw itong pumapasok sa kwarto ng babae." Lintanya ko at bumangon na. I finger-combed my hair and tie it in a messy bun.

"Lumabas ka na. Lakad, get out." Sabi ko at itinulak siya papunta sa pintuan.

"Haha. Sino ba naman kasing maysabi sayo na ganyan ang isuot mo pag matutulog ka?" Natatawang sabi niya bago lumabas ng pinto. At ang manyak, humarap pa sa akin at pinasadahan ako ng tingin.

"Hmm.. Wala kang boobs. Hindi talaga ako maaakit sayo. Hindi talaga kita type." Sabi niya sa akin.

"Manyak! Pervert!" Sigaw ko sa kanya at pinagsarhan siya ng pinto.

Shit talaga! Eh ganito naman talaga ang isinusuot ko sa pagtulog. Manipis na lingeree at boyleg.

At ang kapal ng mukha niyang sabihin na wala akong boobs eh ito nga ang isa sa mga asset ko.

Bwisit talaga!

-------

"Bilisan mo naman diyan! Alas sais y medya na, di ka pa rin tapos diyan.˝ sita sa akin ni Arnulfo.

My God, hindi ba niya alam na ang luwang nitong bakuran nila? At ang dami pa nilang halaman! Siyempre, maraming kalat na dahon. Tapos kung makabulyaw, akala mo naman vacuum cleaner ang ginagamit ko sa pagtatanggal ng mga kalat!

"Eto na nga po oh, tapos na po." Sagot sabay irap. Finally, makakapahinga na ako.

"Good. Magluto ka naman ngayon ng almusal."utos niya sa akin sabay pasok sa loob ng bahay.

"Hoy! Anong magluluto ako ng almusal? Katatapos ko lang magwalis dito tapos paglulutuin mo naman ako!" Sagot ko sa kanya habang sinusundan siya sa papasok sa loob ng bahay.

"As if namang may choice ka eh. Magluluto ka o matatagalan ka dito?" Tanong niya sa akin habang naglalakad pa din. Siymepre, nakasunod lang ako sa kanya.

"Hindi ako marunong--Aray! Ano ba?! Bakit ba basta basta ka na lang tumitigil?" Inis na sabi ko sa kanya. Bigla kasi siyang tumigil sa paglakad at humarap sa akin. At dahil nakasunod ako sa kanya, nabunggo ang noo ko sa baba niya.

"Sino ba naman kasing may sabi sa iyong bumuntot ka sa akin?" Inis ding tanong niya habang kumukuha ng pagkaing lulutuin sa ref. "Oh eto ang lulutuin mo. Magpirito ka ng itlog at hotdog. Isangag mo din yung kanin na tira kagabi."

JEWELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon