Chapter 2 - My Outside World

3.3K 106 19
                                    

Sa bahay.

Back to reality. Isa na naman akong dakilang kasambahay. Wala akong magagawa dahil galing ako sa isang masalimuot na pamilya, isang broken family. Yung tipong ikaw yung nag-iisang legal na anak pero ikaw pa yung nagmukang anak sa labas? Buti na lang to the rescue ang Lola kong mabait na tumayo bilang Nanay ko. Kaya naman kahit ilang walis, hugas ng plato at saing pa yan di ako mapapagod kapalit ng pagmamalasakit sakin ng Lola Nanay ko.

Pagtapos maging kasambahay. Takbo agad ako sa kabilang compound kung saan matatagpuan ang computer shop/tambayan ko. Ang computer shop ang sumasalamin sa damdamin ng kabataan ngayon.

"P*ta lag! Bawal mag youtube!"
"Double Kill! G*go!"
"Stun mo stun mo!"

Ilan lang yan sa maririnig mo sa kanila. Dito nahubog ang pagiging kabataan ko dahil isa din akong online gamer dito din ako nasanay makipag trashtalkan. Ang computer shop ang pangalawang bahay ko na halos kulang na lang dun na rin ako matulog. Minsan pag walang pera tambay na lang ako papanuorin ko na lang ang mga manlalaro ng League of Legends at DOTA.

My GF Is A PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon