Okay. Kalimutan ang lahat. Ngumiti. Back to school. Hello Second year college. Buti na lang naka graduate na si Mac kaya kahit papa ano makakalimutan ko sya.
Hilig kong mapag-isa. Nakaupo ako sa park nang may biglang lumapit na lalaki.
"Psst. Oy classmate! Emo ka ata?" Sabi ng isang lalaki habang nakangiti sakin.
Dahil sa pagkaloner ko dito ko nakilala ang bago kong dalawang kaibigan si Alex at si Shin parehong lalaki pero bat di sila naiilang sa akin. Well, lalaki din naman ako eh kaya nga lang nagmamahal ng lalaki. Di naman ako kekendeng kendeng maglakad di naman ako nagsusuot ng mga damit na pang beki. Wala basta anyong lalaki ako. Alam ng dalawa kong kaibigan na medyo nalihis ng landas ang pagkalalaki ko. Sila ang nagbigay ng panibagong panimula sa buhay ko. Masaya silang kasama. Haha malalakas ang trip.
"Oy Klein tara Robinsons Place tayo. Gala tayo" aya sa akin ni Alex.
Sumige na lang ako total walang magawa. Kesa naman magmukmok.
Habang naglalakad ako. "Teka? Si Mac yun ah? Ano ginagawa nya dito?" Hinabol ko kasi naccurious ako. Ayun lang! Wag kayong ano! Wag niyong bigyan ng meaning. Haha. Bigla syang nawala sa paningin ko.
"Oy Klein bat ka ba takbo ng takbo? Nangshop lift ka no?" Pabirong sabi ni Shin habang hinihingal. Eh pano ba naman sinundan nila ko.
"Tara na nga Jollibee na lang tayo, treat ko!" Aya sa amin ni Alex.
Wow! Yayamanin pala tong si Alex pano nga naman pulis ang tatay. Inorder nya sa amin ay Float at Fries. Haha ang lakas ng toyo ni Alex sinasawsaw yung fries sa ice cream ng float. Habang kumakain ay masaya kaming nagkkwentuhan.
BINABASA MO ANG
My GF Is A Poser
RomanceA Sinful Love Story Paano na lang kung mainlove ka bilang poser sa taong nililinlang mo? Handa ka bang aminin ang katotohanan o handa mong ilihim sa ngalan ng pag-ibig?