Chapter 28 - A Night To Remember

1.6K 54 0
                                        


Sa school. Di pumasok si Alex. Di man lang nagrereply sa text ko. Pinapatay naman pag tinatawagan ko. Buong araw di sya pumasok ano kaya nangyayari sa kanya? Napano kaya yung loko na yun?

Uwian na di pa din sya nagtetext.

"Oy Klein. Tara uuwi ka na ba? Sabay ka sakin?" Sabi sakin ni Mac.

Oh? Haba ng hair! Hahaha syempre naman ako tatanggihan ko yun? Haha di pa nga ako umo oo sumakay na ko. Aba! Grab the opportunity eka nga.

Habang nasa kalagitnaan kami ng daan. Nagtext si Alex.

"Klein nasan ka? I need you. Di ko na kaya :(" text ni Alex.

"Mac! Teka bababa ako!" Sabi ko kay Mac.


"Ha? Bakit?" Sagot nya.

"Si Alex e lasing na naman" sabi ko

"Ah ganun ba? Sige hatid na kita dun" sabi ni Mac.

Sobrang bait nya. Bakit kaya? Ayokong bigyan ng meaning. Wala akong pag-asa! Haha basta mahal ko na sya. Pero secret lang. Haha :)

Bumababa na ako.

"Oy salamat ah? Sorry sa abala." Sabi ko kay Mac. At umalis na sya.

Pagpasok ko sa bahay nil Alex.

"Ano bang problema mo? Di ka pumasok? Di nagtetext. Nirereject pa tawag ko. Tapos iinom ka lang pala?" Galit kong sinabi sa kanya. Nakakainis na kasi.

"May lagnat ako. Sorry" sabi nya.

"May lagnat? Tapos uminom ka pa? Papatayin mo ba sarili mo ha?" Sigaw kong sinabi sa kanya

"Sige! Umuwi ka na! Iwan mo na ko! Iiwan mo din naman ako diba?" Sabi ni Alex.

"Ha? Di kita maintindihan? Napapano ka ba?" Sabi ko.

"Mahal kita Klein! Di mo ba alam? Matagal na kitang gusto! Pero natatakot akong sabihin dahil alam kong bawal to. Una pa lang kitang nakita gaan na ng pakiramdam ko sayo. Nung nalasing ako? Gising ako nun. Yung pinalitan mo ko ng damit gising ako nun. Napaka maalaga mo. Nirespesto mo ko. Mahal kita Klein! Mahal na mahal! Nung kasama mo si Mac nagseselos ako. Nung magkasabay kayong pumasok? nagseselos ako. Pero manhid ka!" Umiiyak na sabi sa akin ni Alex.


Di ko alam gagawin ko. Nagulat ako. Bakit nangyayari to? Bakit bestfriend ko pa? Di ko binigyan ng meaning ang lahat. Nilapitan ko sya tinabihan ko syang umupo.

"Lasing ka lang. Ano nangyayari sayo? Bakit ganyan ka?" Sabi ko habang hinihimas likod nya.


"Di ako lasing. Kahit bukas sabihin ko pa bukas ulit sayo lahat ng sinabi ko ngayon. Mahal kita. Mahal na mahal" sabi ni Alex.

Wala akong masabi sa nangyayari. Nang bigla nya akong hinalikan sa labi.

Nagulat ako sa ginawa nya.

"Ayan mahal kita. Yan ang patunay" Sabi nya sa akin.


Oh my God! First time na nangyari sa buhay ko to. Ramdam ko yung pagmamahal nya yung init.


Naghalikan kami ng matagal. Wala na kong nagawa kundi gantihan ang halik na iyon. Hinubad nya ang damit nya habang naghahalikan kami at pati yung akin. Ramdam na ramdam ko yung init ng katawan nya. Yung lambot at init ng labi nya. Buong gabi kaming naghalikan habang magkayakap wala na kong nagawa ng mga oras na iyon dahil sa sarap na naramdaman ko. Hanggang dun lang ang nangyari sa amin at di na bumaba iyon. Di ko makakalimutan ang gabing ito. Si bestfriend ang first kiss at romance ko.

My GF Is A PoserMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon