Chapter 36 - Truth Will Set You Free

1.7K 48 0
                                        

Hindi ko iniwanan si Mac. Nasa tabi nya ko lagi kahit sa oras ng kalungkutan nya. Ngayon di na ko mag aalinlangan sa kanya dahil alam ko na ang tunay na nararamdaman namin para sa isa't isa.


Lagi naming binibisita puntod ng nanay nya. Lagi kaming may dalang bulaklak. Alam ko malungkot si Mac pero gagawin ko lahat para bumalik sya sa dati.


Sa amin na tumira si Mac dahil wala na syang kasama sa bahay. At ako din ay wala ring kasama. Daig pa namin ang mag live in partner. :)

Aalagaan ko sya di ko sya papabayaan. Araw araw sabay kaming kumain, tabing matulog, sabay pumasok. Yan yung pinangarap kong relasyon noon pa. Yung mga pangarap nyo natupad sa totoo mong katauhan. Akala ko never mangyayari to. Pero nagkamali ako dun.


Isang gabi, gusto ko ng aminin sa kanya na ako si Claire ako yung ex Girlfriend nyang poser.

"Mac?" Sabi ko


"Ano yun?" Sabi ni Mac.

"May sasabihin ako sayo.." sagot ko.

"Sorry. Pero kailangan mong malaman yung totoo" sabi ko naman.

"Ano nga yun? Wag ka ng mag paligoy ligoy pa" sabi ni Mac.

"Ako si Claire. Ako yung ex girlfriend mo! Ako yun. Sorry kung ngayon ko lang sinabi. Di ko intensyong saktan ka. Mahal na mahal kita." Sabi ko habang umiiyak.

Natulala si Mac. Speechless. Di ko alam kung ano gagawin nya. Bigla nya kong nilapitan.

Niyakap.

"Matagal ko ng alam yun. Yung may sakit ka? Nakita ko sa aparador yung chocolate na binigay ko at yung mga letters. Inalagaan mo talaga no? Mahal na mahal din kita. Ayan na lang hinihintay ko ang pag amin mo." Sabi nya

"Mahal na mahal kita Mac. Lahat ginawa ko mapansin mo lang. Simula nung una kitang makita" sabi ko sa kanya harap harapan. Face to face.

"Mahal na mahal din kita kahit sino ka pa" sagot nya.


Hinalikan nya ko sa labi. Kakaibang pakiramdam pag mahal mo yung humalik sayo. Walang pangamba walang alinlangan. Parang kayo lang yung tao sa mundo. Akala ko sa pangarap lang to mangyayari. Akala ko hanggang pantasya na lang ako.

My GF Is A PoserMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon