Lunes na naman. Pasukan na naman. Syempre ano pa ba aasahan? Late na naman si Alex. Kaya hinintay ko.
Sabay na kaming pumasok sa Computer Lab.
"Good Morning Class!" Isang magandang bati ang bumungad samin.
Oh my God! Si Mac magiging teacher ko? Di nga sya nagbibiro. Speechless ako! Hala? Pano na to?
"Oy bat natulala ka?" Pabulong na sabi sa akin ni Alex.
"Sya yung kausap ko nun sa park" Sabi ko sa kanya.
"Ah yung Boyfriend mo?" Sabi ni Alex.
"Adik! Kulit nito. Hindi nga!" Sagot ko.
--"Ako nga pala si Mac Fernandez ang magiging teacher nyo sa Web Designing this whole semester" sabi niya sa buong klase.
Hahaha. Pano to? Araw araw na lang akong matutulala sa kanya? Baka mabokya ako neto. Agad agad naman syang nag dissmissed next day na daw sya mag tuturo. Nag introduce lang sya sa amin.
Nag paalam si Alex na may pupuntahan lang. Kaya ako na namang mag isa. Nagpunta muna ko sa Robinsons para magpalipas oras. Di ako makapaniwala na magiging teacher ko sya. Sana kayanin ko! Hahaha.
Tatlong oras akong palakad lakad sa Robinsons nang biglang nagtext si Alex. Nagpapasundo lasing daw sya di nya daw kayang umuwi. Hay nako parang bata. Kaya agad kong pinuntahan.
Nang makarating ako. Tumawag agad ako ng tricycle at inuwi ko sa kanila. Pinagalitan ko sya.
"Ano ba problema mo? Di mo man lang sinabing iinom ka? Tapos magpapakalasing ka di mo naman kaya"
Aba tinulugan ako. Nagtext na lang ako sa kanya na uuwi na ako.
Habang nag aabang ng masasakyan na jeep. Biglang may lumapit sakin.
"Gabi na ah? Anong oras na di ka pa umuuwi?"
"Eto na nga e. Pauwi na" sagot ko naman.
Si Mac pala yung nagsalita na yun.
"Ay! Sorry Sir. Di ko napansin kayo pala yan" agad kong sinabi.
"Ano ka ba Mac na lang. Teka, bat amoy alak ka? Uminom ka no?" Sabi ni Mac
"Ha? Hindi po. Hinatid ko lang si Alex na umuwi lasing na lasing kasi eh. Kaya ayun baka humawa lang sa damit ko yung amoy ng alak" sagot ko naman.
"Boyfriend mo ba yun? Lagi mong kasama eh. Hinahatid mo pa sa bahay nila" sabi ni Mac
"Hindi ah! Bestfriend ko po sya. Eh di kaya eh kaya sinamahan kong umuwi" sagot ko sa kanya.
"Tara sabay ka na sa akin sa motor pauwi" sabi nya.
"Ah sige sige" sagot ko naman.
Hahaha. Kinikilig ako. Umangkas na ako. Gusto ko syang yakapin! Oh magtigil Klein! Wag puro landi atupagin. Hahaha. Nung nakauwi na ako nagpasalamat ako sa kanya. Kinuha nya number ko. Hahaha haba ng hair! Pero ayokong bigyan ng meaning yun. Ayokong umasa.
BINABASA MO ANG
My GF Is A Poser
RomanceA Sinful Love Story Paano na lang kung mainlove ka bilang poser sa taong nililinlang mo? Handa ka bang aminin ang katotohanan o handa mong ilihim sa ngalan ng pag-ibig?