Chapter 3 - My Ultimate Crush

2.9K 97 1
                                    

Umaga na naman at papasok na naman. Makikita ko na din sa wakas ang crush ko at si bestfriend. At di ako binigo ng tadhana. Nakasalubong ko sya papasok ng gate. Pareho kaming nalate sa flag ceremony. Dahil don may parusang ipinataw samin na 4 na oras na paglilinis ng school kasama ang iba pang late.

"Klein eto na ang pagkakataon para makipag close sa kanya" sa isip isip ko.

Di ako binigo ng tadhana. Unting unti siyang lumapit sa akin at sinabing,

"Hi? Klein?"

"Ahhhm yes? Hello. Bakit ka nalate?" Sabi ko naman. (Pabebe Effect)

"Bagal kasi nung jeep na sinasakyan ko. Mas mabilis pa kong maglakad eh!"

Oh my God! This is the time! Landiin na! Kausapin pahabain pa usapan. Kailangan di sya ma bored.

"Klein may sasabihin ako sayo?" Sabi nya.

"Ano yun?" Sagot ko.

"Crush ko kasi si Arlyn, pede ko bang hingin yung number kung pede lang?"

Aray ko be! Busted na agad. Pero okay lang. Thats life. Kaya sinagot ko sya na,

" Sige, gusto mo lakad pa kita?"

"Talaga? Hahaha o sige ba? Sabi nya.

Sabi ko naman. " Pede makuha number mo para alam mo na para ano.. ilakad ka" (Landi Moves)

Aba! Sa panahon ngayon dapat ako din may benefits. Sa wakas nakuha ko number nya! Pero di ko naman din sya itetext. Pag crush crush lang. Bawal umasa. Haha!

Naging close pa kami ng dahil dun.

Natapos ang 4 hours na paglilinis namin. At agad agad akong tumakbo papunta kay Arlyn para ihatid ang mabuting balita.

"Bestfriend! May sasabihin ako sayo"

"Ano yun?" Sagot nya.

"Nakuha ko na number ni crush. Kaso... ikaw yung type "

"Wag kang alalala di ko type yun. Pero kaibigan na natin para naman sumaya" sabi ni Arlyn.

Dahil sa pangyayaring iyon. Naging close kami ng crush ko. Lagi na namin syang kasama. Habang ako kinikilig na patago.

Lumipas ang mga ilang buwan nakikita kong umaasa si Kenneth sa bestfriend ko. Naaawa ako sa kanya. Nakokonsensya ko. Para lang sa kaligayahan ko may taong handang umasa. Gabi gabi naiisip ko si Kenneth na umaasa. Yung tipong gusto mo ng ihinto yung ginagawa namin para na sya umasa.

My GF Is A PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon