Chapter 12 - He's Dating A Poser

1.8K 56 1
                                    

May nais ibigay na regalo sa akin si Mac. Pero paano ko makukuha? Kaya naman isip .. isip .. isip .. At Alam ko na! Papakilala ko sarili ko as Klein na pinsan ni Claire. Hahaha rhodora X lang? Dalawa katauhan. Sinabi ko sa kanya na yung pinsan ko ang kukuha.


Nagkita kami sa Robinsons Place. At nakita ko sya. Sh*t! Kinakabahan ako na kinikilig! Nilapitan ko sya, nagpakilala ako.

"Hi? Ako nga pala si Klein yung pinsan ni Ate Claire" sinabi ko sa kanya.

"Oh hello Klein kaw pala yan. May ibibigay ako sa kanya eh. Pasensya na sa abala" sagot nya.

Yesssss! Sa wakas kilala na nya ko. :) Kinikilig talaga ako. Nanginginig ako nung inaabot nya sa akin yung regalo. Napakapogi nya. Ang tamis ng ngiti niya. :)

"Tara Mcdo tayo? Libre ko na. Bawal tumanggi" Aya nya sa akin.

@#%&*--+! Date ba to? Hahahaha my Goodness! Bumilis tibok ng puso ko namutla. At napa oo na lang.


Habang kumakain. Ang dami niyang gustong malaman kay Claire. Di nya lubos na maisip na si Claire na yung nasa harapan nya. Hahaha. Syempre pinaganda ko ang dignidad ni Claire almost good side ang sinabi ko sa kanya. Grabe natutulala ako sa kanya habang kumakain sya.


Nang matapos kumain, naglakad lakad kami ng konti. Nag pa alam.na akong umuwi. Sobrang bait nya! Nagpasalamat sya sa akin at nag sabi ng ingat! Hahahaha my God! Sana ako na lang talaga! Yung tipong gusto mo syang yakapin? Haaaay. Mamumuhay na lang ako sa imahinasyon.

Pag-uwi ko. Agad agad kong binuksan ang paper bag na may lamang 3 chocolates at scented paper na may nalalagay na,
" You see, I love you and I dont want to lose you. Because my life has been better since the day I found you. ♥

I LOVE YOU Babe :)

-Mac "

Kinikilig ako! Haha anong nangyayari sakin? Bat ganito nararamdaman ko. Nabiktima na ba ko ni Forever?

Nilagay ko yung chocolates sa garapon di ko kinain. Dinisplay ko sa kwarto ko.

My GF Is A PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon