Chapter 1 - First Day of School

4.4K 114 3
                                    

Hi! Ako nga pala si Klein C. Ramos, 16 years old, Lalaki? Ahhh basta kayo na bahala. Taga Bulacan ako. Graduating student na sa isang High School sa Malolos. At eto papasok na ako, nakasakay sa jeep na limang piso lang ang bayad.

Pagbababa ko sa school. May babaeng tumatakbo papalapit sakin at bigla akong niyakap. Ay! Bestfriend ko pala sya pala si Arlyn. Ang BFF ko since 1st year. Kasama ko sa lahat ng lakad. Partners in crime kung tawagin. Hilig naming mambully sa mga babaeng lumalandi sa crush niya. Noong 3rd year naman kami may binully kaming transferee na kaklase namin sa kadahilanang kwentong barbers lang dala nito sa section namin. Ayun sa takot di na sya dito nag enroll. Hahaha! Ganun ba kaming kasama? Minsan naman pag may bagong boyfriend si bestfriend lagi nyang pinapahuli sakin sa text. Nilalandi ko, syempre lalaki nahuhulog sa mga pabebe kong text. Napakasarap ng may bestfriend ka all the time! :)

"Oy! Klein parating na si Anooo!.." sigaw ng aking bestfriend.

Ang tinutukoy nya ay si Kenneth ang ultimate crush ko. Kaming dalawa lang ang nakaka alam nito. Si Kenneth ay matangkad, basketball player at chinito. Naging crush ko sya sa di maipaliwanag na dahilan. Malas nga lang at di ko sya kaklase dahil sa kabilang section siya nag enroll.

Natapos ang first day of school na puro kwento lang ni bestfriend ang narinig ko.

My GF Is A PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon