Chapter 30 - Lucky

1.6K 54 0
                                        


Pag kauwi ko sa amin. Iniisip ko agad yung nangyari sa amin. Dapat ba kong kiligin? Dapat ko rin ba syang mahalin? Bestfriend ko sya. Nasanay ako at nakilala ko syang Bestfriend. Di katulad ng nararamdaman ko kay Mac unang tingin ko pa lang gaan agad ng pakiramdam ko.

"Oy Klein? Busy ka today? Papasama sana ako eh." Text ni Mac.

Pano kaya kung sabihin ko sa kanya yun? Maiintindihan nya kaya? Wag na nga lang! Baka masaktan sya! Chos! Lakas kong mangarap. Haha bakit? Di naman masama ah. Sige na nga sasamahan ko na lang sya ng makapaglibang. Agad agad akong naligo. At sumama.

Nakasakay na ako sa motor. Haha eto na naman yung pakiramdam. Iba talaga pag sya kasama ko. Kaso natatakot akong aminin sa kanya. Baka mamaya mawala tong closeness naming dalawa. Nakakapanghinayang. Dikit na dikit na e! Tapos mawawala lang na parang bula.


Habang nasa biglang pumreno ng bigla si Mac. Bigla akong napakapit na medyo yumakap na din. Hahaha syempre kailangan e. Yung nayakap ko sya kahit saglit ang sarap sa pakiramdam. Isa pang preno Mac please! Hahaha.

Nagpasama syang bumili ng bagong laptop. Nakabili na sya. Inaya nya kong kumain. My God! Date ba to? Parang nangyari na to ah? Hahaha. Habang kumakain nakatitig lang ako sa kanya.

"Bat tulala ka?" Sabi ni Mac.

"Iniisip mo na naman yung si Alex no? Yung boyfriend mo?" Dagdag nya pa.

"Haha. Unli ka no? Di ko nga boyfriend yun. May iba kasi akong gusto." Sabi ko.

Ay! Shet nadulas ako.

"Ha? Sino naman" sabi nya.

"Ah wala wala. Anu ba tong pinagsasasabi ko" sagot ko naman.

Habang kumakain kami. Syempre nag kekwentuhan kami. May mga bagay din pa lang makukuha mo kahit di ka manlinlang ng tao. Ang sarap sa pakiramdam. Okay na sakin kahit ganito lang kami. Ang sarap sa pakiramdam.

My GF Is A PoserMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon