Chapter 33 - Im Sick!

1.6K 55 0
                                    

    Umaga na. Ang sama ng pakiramdam ko. Ang hirap tumayo. Nasan si Mac? Sabi na eh nananaginip lang ako kagabi eh. Ako yayakapin? Ako tatabihang matulog? As if namang gawin nya yun.

   
    Pumunta ko sa kusina. Wow! Ready na breakfast ko! Teka, minumulto ba ko? Ako lang mag-isa dito ah? May nakita kong sulat katabi ng pagkain.


  "Morning Shine Klein!
  Sorry kung di na kita ginising himbing ng tulog mo eh. Ayan nga pala breakfast luto ko pang bawi sa pagpapatuloy mo sakin kagabi. :)
Ingats! :)
-Mac"

    Oh my God! Totoo ba to? Ibig sabihin totoo yung nangyari kagabi? Di panaginip?  Hahahahahaha! Ang saya saya ko! :)


   Pinilit kong pumasok kaso di ko talaga kaya. Ayan kasi landi landi sinugod ang ulan para makalandi ayan nilagnat tuloy. Sinabi ko na kay Alex na di ako papasok at nilalagnat ako. Nagreply sya na pupunta sya dito mamaya.


   Nung hapon na. Nagtext si Mac.

  "Psst. Bat di ka pumasok?"

   "Nilalagnat ako eh." Reply ko naman.

   "Aw. Sorry dapat pala di natin sinuong kagabi yung ulan" text nya

  "Okay lang yun. Buti nga sinuong natin. Tignan mo di tumila ulan." Text ko naman.

  
Dumating si Alex may dalang fruits.

"Oh ano nangyari sayo?" Sabi ni Alex.

"Umulan kasi eh. Nabasa ayun nilamig." Sabi ko naman.


  "Kaw kasi eh. Nagpapaulan pa" sabi nya naman.


   Nang biglang dumating si Mac.

"Oh? Hi? Kanina ka andyan? Klein eto gamot oh tsaka makakain." Sabi naman ni Mac.

 
Anong kaganapan to? Reunion? Daig ko pa nasa hospital. Hahaha. Ang sarap sa pakiramdam.

  "Ako na magluluto ng dinner total di naman makakagawa si Klein" sabi ni Mac.


   Nang matapos sabay kaming kumaing tatlo. Grabe ang sarap magluto ni Mac! Nilaga is the best! Haha. Kung araw araw sya magluluto gaganahan akong kumain. :)

 

   Pagkatapos kumain. Maya maya ay nagpaalam na si Mac at may gagawin pa sya. Naiwan si Alex babantayan nya daw ako.


     Magkatabi kaming matutulog ni Alex.

"Oy di ka ba natatakot? Baka mahawa ka?" Sabi ko sa kanya.

"Hindi ah. Malakas resistensya ko. Weak ka kasi. Hahaha" sagot nya naman.

Humiga na sya sa tabi ko.

"Klein may tanong ako?" Sabi ni Alex.

"Kung papipiliin ka samin ni Mac, Sino sasamahan mo? Ako o si Mac?" Tanong nya.

    Oo nga no? Napaisip ako dun ah? Pano nga ba? Sino ang pipiliin ko? Ayoko pang sagutin yan kaya naman nagtulugtulugan ako.

My GF Is A PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon