Chapter 32 - Love Rain

1.6K 53 2
                                    


Pumasok ako ng late. Kasalanan ni Mac! Haha di nagtext kung sabay kami eh. Yan tuloy nalate ako kakahintay. Haha pero okay lang. Sabi ko naman eh wag ng umasa. Kala mo naman papatulan ka nun? Haha never! Pangarap lang. PANGARAP.


Nakasalubong ko si Mac

"Uy Klein! Pasensya na di kita nadaanan sa inyo. Maaga kong pumasok. Sige mauna na ko may tuturuan pa ko. Maya na lang." sabi sakin ni Mac at agad na umalis.


"Mahal mo sya no?" Sabi ni Alex.

"Ha? Oo. Kaso never mangyayari yun. Di naman sya bisexual." Sagot ko sa kanya.

"Alam mo. Sakin ka na lang tanggap kita kahit sino ka pa" Sabi ni Alex.

"Para kang timang! Haha. Drama mo. Tara na nga pasok na tayo." Sabi ko naman.


Natapos ang klase. Sinabihan ko na wag ng magpapakalasing si Alex. Sabi nya naman. Oo daw dahil mag sstay ang Mama nya sa kanila. Hahahaha! Buti na lang! Naaadik sa alak e.


"Klein sabay ka?" Sabi ni Mac.

Syempre. Tatanggihan ko ba ulit? Hahahaha. Ano motto? Grab the opportunity diba? Yan habang nasa daan kami pauwi. Biglang bumuhos ang ulan. Kaya naman nabasa kami. Buti na lang malapit na sa bahay nung umulan.

"Oy Mac dito ka muna. Magpatila ka ng ulan" sabi ko.


Pumayag naman sya. Sabi ko magpatila muna sya. Ako lang naman kako ang tao dito sa bahay. Gabi na nun eh. Kaya naman dito ko na din sya papakainin. Kaya naman kumain kami ng sabay. Iniisip ko habang kumakain kami na talaga. Hahahaha! Ay landi ko.

"Parang di na titila yung ulan oh" sabi ni Mac.

"De dito ka na matulog. Pede naman eh" sabi ko.

Hahaha! This is it! Eto na ang pagkakataon.


"Dyan ka na lang matulog sa kama ko, dito na lang ako maglalatag sa sahig." Sabi ko.

"Ano ka ba? Mamaya sipunin at ubuhin ka pa. Tabi na tayo. Malaki pa naman space oh" sabi ni Mac

Shocks! Totoo ba to? O panaginip? Sampalin nyo nga ako? Yung secret love ko? Makakatabi kong matulog? Aba dinaig ko pa tumama sa lotto! Kaya ano pa ba? De sumige ako.

Habang nakahiga kami. Lumalayo talaga ko sa kanya. Syempre naman. Haha baka mamaya bigla kong mayakap. Sobrang lakas ng ulan, kumukulog kumikidlat. Kaya naman di ko napigilang manginig sa lamig

"Oy Klein nilalamig ka ah?" Sabi ni Mac.

"Ah wala to. Lamig kasi eh" sabi ko naman.

"Ano ka ba? Hirap kaya ng may sakit. Tapos mag isa ka pa dito" sabi nya sa akin.

Bigla nya kong niyakap....


Nagulat ako sa ginawa nya.

"Ano malamig pa ba?" Sabi nya

Natahimik na lang ako. Dinama ko yumg init ng yakap nya. Sobrang napaka maalaga nya. Sana totoo na lang ang lahat ng ito. Sana hindi ito panaginip. Damang dama ko yung yakap na to na may kahalong pagmamahal. Sobrang higpit ng yakap nya. Ang init sa pakiramdam. Yung yakap na to kakaiba. Eto yung yakap na hinahanap ko. Yung yakap pa lang pamatay na? Pano pa kaya kung halikan nya ako? Sana di na matapos ang gabing ito.

My GF Is A PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon