Sa school.
"Oy Klein, Sino yung kasama mo sa park? Boyfriend mo?" Sabi ni Alex.
"Grabe ka! Hindi ah!" Sagot ko naman."Ayii aminin. Boyfriend mo no? Okay lang naman sa kin eh." Sabi nya.
"Haha adik. Ex sya ng pinsan ko. Ayun napasarap usapan" sagot ko.
"Ah ganun ba? buti naman" sabi ni Alex.
Ganun pa din kami dating gawi. Nag ayang uminom. 1 on 1 daw. Kaya naman agad akong pumunta sa kanila. Dun na naman mag ssleepover pero nakakamiss si Shin. :(Nung nasa bahay na kami. Iniinggit namin si Shin sa text. Hahaha. Nag sskype kami. Kinakamusta namin sya. Sana nandito na lang sya para lalong masaya.
Nag simula na kami ng inuman. Habang nasa kalagitnaan alam ko na medyo lasing na sya. Kinausap nya ko.
"Alam mo ba kung bat lagi akong nag aayang uminom? Kasi ako lang mag isa dito. Nalulungkot ako. Kaya gusto ko laging may kasama. Kaya sana wag mo din akong iiwan. Nakakalungkot si Shin iniwan tayo"
"Drama mo naman. Gusto mo bestfriend tayo? Cheers?" Sagot ko.
"Cheers bestfriend!" Sabi ni Alex.
Habang gumagabi lalong nalalasing kami. Pero ako kinikontrol ko. Pero si Alex lasing na talaga. Kaya naman tulog na naman. Bigla syang sumuka ang dami. Ang baboy talaga ng tao na to sinukahan yung damit.
Pinalitan ko sya ng damit. Habang nakahubad tinitigan ko sya. Pogi din pala sya. Hahaha oy! Wag kayong ano ah? Wala kong ginawang masama. Papalitan ko lang sya ng damit. At matutulog na ko. Dun na lang ako sa lapag di na ko tatabi sa kanya. Kaibigan ko sya. Bestfriend ko sya. Rerespetuhin ko sya. :)
BINABASA MO ANG
My GF Is A Poser
RomanceA Sinful Love Story Paano na lang kung mainlove ka bilang poser sa taong nililinlang mo? Handa ka bang aminin ang katotohanan o handa mong ilihim sa ngalan ng pag-ibig?