Eto ang araw na pinaka nakakalungkot. Graduation na namin. Pag bangon ko, super excited na ako sa magaganap mamaya. Pagbukas ko ng co. My God! Ang daming nag ppm.
"Goodmorning Ganda!"
"HI! Chix ka po sa fb"
"Bat ang ganda mo akin ka na lang :)"
"Good Morning pretty girl"
Ohhh! Sarap isipin! Ang haba haba ng hair mo. Parang ayoko ng itigil ito. Haha
(Cellphone Ringing..)
Sinagot ko.
Me: " Hello po? Sino po sila"
Boy : " Goodmorning Claire ako nga pala si Darwin. Nakita ko yung number mo sa GM ng kaibigan kong si Arlyn. Pede bang makipagfriend"
Me : " Ahm. Pwede naman po. Sige po busy pa ako eh. Bye!"
Shet! Haha ang gwapo ng boses. Lalandiin ko nga. Haha.
Nagkakatext na kami. Nagpakilala sya. Okay naman info nya. 2nd yr college sa kursong Architect. Gwapo sa fb. Hihi. Go lang sa pang fflirt.
Then tinext nya ko. Inaaya nya akong magsine? Hala pano? Anong muka ihaharap ko? Eto ang disadvantage ng poser. Kahit super gwapo pa kadate mo di ka pwedeng makipagtapo. Sadlife. Kaya naman umisip na lang ako ng palusot. Sinabi ko na lang na next time na at busy ako. Pumayag naman siya. But, paano kung tanungin nya ulit ako next time? Ano na ang idadahilan ko sa next time na yun?
At dumating na ang sandali. Graduation na namin. Good bye High School life. Di ko na makakasama si Bestfriend kasi pupunta na sya ng Canada para doon mag-aral. Haay mukang magiging boring ang bakasyon ko. Ay! Oo nga pala madami naman pala akong katext. Haha.
Iyakan dito. Iyakan doon. Mamimiss ko tong High School na to. Si best friend, 4 hours school service, JS at si Kenneth. :(
BINABASA MO ANG
My GF Is A Poser
RomanceA Sinful Love Story Paano na lang kung mainlove ka bilang poser sa taong nililinlang mo? Handa ka bang aminin ang katotohanan o handa mong ilihim sa ngalan ng pag-ibig?