Chapter 24 - Coincidence

1.6K 50 0
                                    

Tumambay ako sa park para hintayin yung mabagal na Alex na yan. Lapit lapit ng bahay ang tagal gumayak.

Teka si Mac yun ah! Papunta dito! Kaya naman yumuko ako.

"Oy, Klein. Kamusta na?" Sabi ni Mac. Umupo sya sa tabi ko.

"Ah. Eh. Ahm... ayos lang. Ikaw ba?" Sagot ko.

"Ayos lang din. By the way diba BSIT ka? Magiging I.T instructor ako e. Haha pano ba yan mukang magiging estudyante kita?" Sabi sa akin ni Mac.

"Ha? Talaga?" Sagot ko.

Nakooooo! Patay ako neto! Baka gantihan ako nito sa grade. Huhu!


Oo! Sige na nga aaminin ko. Oo! May feelings pa ko sa kanya. Iba pa rin pag nakikita ko sya. Di pa ko nakakamove sa kanya. Pano na lang kung maging Prof ko sya? Matutulala ako sa kanya? Baka kung ano masagot ko sa exams. Baka di ako makapag concentrate nito.

"Nga pala, kung di mo mamasamain kamusta na pala si Claire" tanong Mac.

Hay Jusko! Tama na enough na sa pagiging poser. Tama na! Kaya sinagot ko sya ng,

"Ay pumunta na sa ibang bansa kasama family nya. Dun na ata titira"


"Ay ganun ba? Di man lang kasi kami nagkausap ng maayos nung huling pag uusap namin. Di ko alam sa kanya. Nakainom lang naman ako kaya nasabi ko yun. Nag paalam sya na parang nakipagbreak na tapos tinawagan ko sya pero wala na." Isang malungkot na pagkakasabi ni Mac.

Na shock ako sa pagkakasabi nya na yun. Bakit ang tanga ko? Diba tama naman ginawa ko? Na itigil na yung panlilinlang na yon. Pero nangungulila sya ngayon? Tama nga ba ginawa ko? Natakot kasi ako na mahalin nya pa lalo yung poser ko. Natakot ako para sa kanya dahil alam kong walang patutunguhan ang buhay nya pag pinagpatuloy ko pa ang panlilinlang.

My GF Is A PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon