Chapter 21 - So Alcoholic!

1.6K 52 0
                                    

"Oy Lex(Nickname ni Alex) uwi na ko 10pm na eh." Sabi ko.

"Bata ba? Dito na kayo matulog. Sleepover? Ayaw nyo?" Sagot ni Alex.

"Ako okay lang sakin. Ewan ko lang kay Klein" sabi naman ni Shin.

"Sige na nga". Sumige na lang ako. Di kasi ako sanay na natutulog sa iba. Kasi naman nagddrama pa ko bago matulog.

Inabot kami ng 12 midnight kakapanuod ng Movies habang kumakain ng french fries.

"Umiinom ba kayo?" Sabi ni Alex.

"Hala? Di ko pa natitikman yan. Tsaka ayoko. Di ako sanay. Kadiri amoy nyan!" Sabi ko.

Jusko mukang sugapa pala to sa alak. Kaya na challenge ako. Pumayag na din ako kasinaccurious ako sa lasa at pakiramdam ng lasing.

"Teka kunin ko lang yung alak tsaka chaser. Yung fries na lang pulutan natin" sabi ni Alex.

Habang lumalapit si Alex kinakabahan na ko. Kasi di talaga ko umiinom at first time kong gagawin to.

"Walang kj ah? Minsan lang to. Klein ikaw mauna." Sabi ni Alex.

"Eh... ah. Sige. " sagot ko. Ininom ko yung alak.

Pwe! Sama ng lasa. Tsaka gumuguhit sa pakiramdam. Nararamdaman mo na yung alak bumababa sa katawan mo. Sige pinagpatuloy ko na dahil sa okay lang naman pala eh kaso lang di ko type yung lasa.

Isang shot na nasundan ng marami habang sa nahilo na ko. Ganto ba pakiramdam ng lasing? Manhid? Sarap sa pakiramdam. Habang si Shin ay K.O. na. Kaming dalawa na lang ni Alex ang natira.

"First time kong uminom. Sugapa ka pala sa alak?" Sabi ko sa kanya.

"Di ah. Minsanan lang. Celebrate natin dahil nagkakilala tayo." Sagot nya.

Di ko namalayan nakatulog na pala ako.

My GF Is A PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon