Chapter 17 - FAREWELL

1.7K 57 4
                                        

Umaga na pala. Di ko man lang namalayan. Umupo. Sandaling pumikit nagdasal ako.

Kinuha ko cellphone ko at tinext ko si Mac.

"Pasensya na sa lahat. At the first point inuuna ko lang ang sarili kong kaligayahan. Mahal kita sobra. Sayo ko lang naramdaman to. Pero siguro nga pinagtagpo tayo pero di tinadhana. Napakaawerte ng mamahalin mo. Sayang nga lang at sinayang ko yun. Napakalaki ng pagkukulang ko sayo. Hindi sapat ang salitang 'sorry' Ako na lang ang lalayo. Mahal na mahal kita. Ingatan mo sarili mo. Paalam. Salamat sa mga memories."

Tumulo na lang ang luha ko. Pinangako ko na sa sarili ko na titigil ko na to. Binali ko na sim ko at dineactivate na ng tuluyan ang facebook Claire na poser ko. Binaon ko na sa limot ang pangyayaring ito kasabay ng pagbali ng sim.

Ginawa ng Diyos ang lalaki para sa babae. At ang babae naman para sa lalaki. Ang mga tulad ko ay walang puwang sa mundo pagdating sa pagmamahal. Minsan sa pagiging mag-isa natin sa buhay dito natin malalaman kung sino talaga ang totoo sa iyo, kung gaano ka katatag, kung gaano natin malalampasan ang buhay, kung paano tayo makikipagsalamuha sa ibat ibang tao. Tama naman si God e tayo lang talaga nagpupumilit na gumawa ng tadhana natin kahit mali sa mata ng Diyos


Minsan kailangan nating tanggapin ang realidad na minsan wala talagang Happy Ending. :)

My GF Is A PoserMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon