Nag aasign ang professor namin ng group assignment. Kaya naman kaming tatlo na ang magkakagroup. At di na kami nagsama ng iba pa.
"Pano yan? San tayo?" Tanong ni Shin.
"Samin na lang tayo." Sagot naman ni Alex.
Kaya naman wala na kaming nagawa. Agad muna kaming umuwi para magpalit ng damit magpaalam.
Pagdating ko sa bahay. Agad agad akong nagpaalam sa Lola Nanay ko. At pumunta ng kwarto para magbihis. Nakita ko yung garapon na pinaglalagyan ng chocolate na bigay ni Mac. Kaasaaaaaar! Naalala ko na naman siya.
"Alam mo kung ano dapat gawin sayo? Itapon! Di ka man lang nagparamdam ni text wala ka?" Para kong baliw kinakausap ko yung garapon.Tatapon ko na sana kaso nanghihinayang ako. Kaya tinago ko na lang sya. Pati yung sulat. At agad agad nagbihis.
Nagkita kita kami sa Robinsons para bumili ng makakain. Si Alex at Shin ang bumili di ako sumama gusto kong maglakad lakad.
Teka? Namamalik mata ba ako? Si Mac yun ah? Tinitignan ko sya. Natulala na naman ako. Ganun pa din itsura nya walang nagbago.
*biglang tumingin sa akin*
O.o?
Takbo! Hahahaha!
"Oh bat ka na naman tumatakbo?" Sabi ni Alex.
"Ah. Kasi.. Ano eh.. Wala lang" sagot ko.
"Ganon? Nga pala bumili ako ng frenchfries dalawang kilo. Nakakahiya kasi sa inyo. Haha." Sabi ni Alex.
Then after bumili. Pumunta na kami sa bahay nila Alex. Medyo may kalakihan din may 2nd floor at halos sya lang ang nakatira dahil parehong busy ang Mama at Papa nya sa work. Weekend lang nandito ang magulang nya.
Kaya naman agad agad naming sinimulan ang assignment. Ay nandito nga pala si Shin The Genius kaya sya na ang gumawa ng lahat. Habang ako nanunuod at si Alex ay nagluluto ng french fries.

BINABASA MO ANG
My GF Is A Poser
RomanceA Sinful Love Story Paano na lang kung mainlove ka bilang poser sa taong nililinlang mo? Handa ka bang aminin ang katotohanan o handa mong ilihim sa ngalan ng pag-ibig?