Tinatamad akong pumasok. Pero pinilit ko. Di mabura sa isip ko ang kalagayan ni Kenneth. Unting unting nawala ang pagtingin ko sa kanya dahil nakokonsensya ako. Yung tipong magtetext sya sayo pero wala ng dating sayo, wala ng kilig na maramdaman. Nakakatamlay. Bakit napaka unfair ng buhay? Kung kelan ka magiging masaya kapalit nito ang kalungkutan ng iba.
1 week bago ang JS Prom. Nagpakabusy na lang ako sa pagtulong sa pag aayos ng stage kasama ang bestfriend kong excited n excited ng sumayaw. Nandoon din si Kenneth pinapanuod kami.
Nang matapos ang aming pag aayos. Lumapit si Kenneth nakipag kwentuhan kay Arlyn ibig kong mag walk out pero di ko magawa. Kaya naisipan ko na lang na hawakan ang cellphone ko para kunwari may katext ako. Balak pa lang isayaw ni Kenneth si Arlyn.... Wala na sakin yun, wala na kong nararamdaman sa kanya.
Kinabukasan,
Eto na nga ang pinakahihintay ng lahat JS Prom na. Agad agad akong naligo, nag ayos. At pumunta ng eskwelahan.Pagbaba ko, parang ayoko ng tumuloy.
Ang kakapal ng make-up!
Yung iba parang naligo sa espasol.
Yung iba parang aattend ng binyag o kayay 7th birthday.
Meron din parang sinuot yung pangkasal ng nanay nya.
Yung iba naman parang naligaw lang.
Dahil kung anu ano pumasok sa isip ko. Gumaan pakiramdam ko.
Ako simple lang. Black longsleeves, puting pantalon at puting bowtie.
Maya maya ay dumating na si bestfriend nakasuot ng pink cocktail dress. Habang si kenneth ay naka all white.
At eto na nga ang pinakahihintay nila, sayawan na habang tumutugtog ang mga Love Songs. Yung tipong gusto mong may mag ayang sumayaw sayong lalaki? Pero never mangyayari yun.
Nakita ko si Kenneth na inaya si Arlyn na sumayaw. Habang sumasayaw sila iniisip ko na lang na ako yung sinasayaw ni Kenneth. Inggit na inggit ako parang slomo pa nga ang nangyayari. Bigla silang nawala sa paningin ko. Nang biglang tinulak sakin ni Arlyn si Kenneth na para bang gusto ni Arlyn na isayaw ako ni Kenneth.
Nahiya ako sa ginawa ni Arlyn. Tumakbo na lang ako kung saan walang tao. Doon sa kasuluk sulukan ng school wala akong paki kung ma engkanto pa ko. Mas gugustuhin ko pang lamunin na lang ako ng lupa dahil sa kahihiyan. Iyak ako ng iyak. Kaya mas minabuti ko pang umuwi. At itulog na lang ang lahat.
BINABASA MO ANG
My GF Is A Poser
RomanceA Sinful Love Story Paano na lang kung mainlove ka bilang poser sa taong nililinlang mo? Handa ka bang aminin ang katotohanan o handa mong ilihim sa ngalan ng pag-ibig?