Bat ganto ako? Haha. Ang saya ko. Kaya ko naman palang mabuhay kahit walang lovelife. Araw araw excited akong pumasok kasi naghihintay yung mga kaibigan ko at alam ko na magiging masaya na naman ang araw na ito.
Pag pasok ko sa school. Sa classroom nalate ako. Hahaha. Bagal kasi ni Manong driver e lahat ng kanto hinihintuan.
"Oy! Lagot ka late ka. Nag attendance na" Sabi sakin ni Shin.
"Wag kang mag alala. Pinresent kita kanina. Hahahahaha" sabi naman ni Alex.
"Oy! Salamat utang na loob ko sayo ang buhay ko!" pabiro kong sinabi.
"Dahil dyan ililibre mo kami ng Float & Fries mamaya. Hahahaha" sabi ni Alex
Oo. Nilibre ko sila. Ganun kami e. Susunod si Shin naman ang manglilibre.
Hahaha. Kaya ko naman palang mabuhay kahit walang Mac. MACakalimutan ko din sya. MACakamove on na ko sa kanya. Dahil di ko na sya MACikita. Hahaha!
Teka nga? Ganun na lang ba para sa kanya na kalimutan ang isang relasyon? May bago na kaya sya? Nakamove on na kaya siya? Teka nga! Diba sya nang iwan? Bat ako mag aalala sa kanya? Ginusto nyang i end up eh. Kaya tama na tigilan na ang pagpapantasya sa relasyon namin. Tigilan na ang pag iisip sa kanya. Hahaha! #Bitter101
BINABASA MO ANG
My GF Is A Poser
RomanceA Sinful Love Story Paano na lang kung mainlove ka bilang poser sa taong nililinlang mo? Handa ka bang aminin ang katotohanan o handa mong ilihim sa ngalan ng pag-ibig?
