Chapter 35 - The Answer

1.5K 53 1
                                    

Nagtext si Alex na as usual lasing naman at halos magkasabay na nagtext din si Mac na emergency nasa ospital sya.


Hala? Pano to? Sino pipiliin kong samahan. :(

Nalilitong litong lito..

Alam ko naman kung sino naman eh. Alam ko nung una pa lang ....

Si Alex ...

Si Alex na bestfriend ko.

Agad agad ko syang pinuntahan at inuwi sa bahay nila.

"Salamat ah? At nandito ka" sabi ni Alex.

"May sasabihin ako." Sabi ko.

"Ano naman yun?" Sabi ni Alex.

"Pasensya na Alex bestfriend lang ang turing ko sayo. Ayokong masira yung pagkakaibigan natin ng dahil sa pag-ibig. Pwede mo kong mahalin kahit magkaibigan lang tayo alam natin limitasyon nun. Mahal ko si Mac. Nagtext sya kanina na emergency pero inuna kita kasi kaibigan kita di ko hahayaang baliwalain ka" sabi ko sa kanya habang umiiyak.

Bigla nya kong niyakap.

"Alam ko naman yun Klein. Puntahan mo na si Mac. Kailangan ka nya." Sabi nya.

Dahil sa sinabi nya niyakap ko sya ng mahigpit at lalo akong umiyak. Laking pasasalamat ko sa kanya sa pag unawa nya.

Agad agad akong tumakbo at pumunta sa ospital.

Habang naglalakad ako. Nakita ko si Alex sa waiting room. Nakaupo nakayuko. Tinabihan ko sya.

"Mac?" Sabi ko.

"Wala na sya" isang malungkot at mahinang pagkakasabi ni Mac.

"Huh? Sino?" Tanong ko sa kanya.

"Ang Nanay ko. Laking pasasalamat ko sa kanya kahit di nya ako kadugo pinalaki nya ako. Di ko kilala mga magulang ko pero nandito sya pinalaki nya ako. Ngayon wala na sya" sabi nya habang umiiyak.

"Alam mo? Pareho tayo di naman magulang ko nagpalaki sa akin eh. Lola ko. Laking pasasalamat ko sa kanya. Bukod pa dun may isang tao pa kong lubos kong pinapasalamatan. Alam mo ang hirap mag aral sa college pero kinaya ko kasi may nagpapalakas saking isang tao ayoko syang nakikitang mahina ayokong nakikita syang umiiyak. Dahil sa kanya natuto akong magsikap para sa pinapangarap ko"

"Sino?" Sabi ni Mac.

"Ikaw yun Mac. Mahal na mahal kita. Dahil sayo lahat ng ginagawa ko. Noon pa lang pangarap na kita." Sabi ko sa kanya. Bigla na lang akong napaluha.

Niyakap nya ako. At sinabing.

"Noon pa lang may nararamdaman na ko sayo. Pero pinipigilan ko kasi mali. Pero ngayon hayaan mong ipakita natin sa kanila na walang masama sa pagmamahal. Mahal din kita Klein" sabi nya.

Umiyak ako ng lubusan nung oras na iyon. Yung parang kami lang yung tao sa mundo. Sobrang laki ng ginhawa na nararamdaman ko. Dahil nabigyang kasagutan lahat ng pangamba ko sana di na matapos ito. Nandito ako para sa kanya di ko sya bibitawan lalo na't alam na namin ang nararamdaman namin sa isa't isa. :)

My GF Is A PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon