Chapter 34 - Mahal ko? O? Mahal Ako?

1.6K 54 0
                                    

Thank God! Wala na akong sakit. At dahil dyan makakapasok na ko. Unang bumungad sakin sa eskwelahan ay si Alex.

"Welcome Back." Sabi na may kasamang ngiti sa kanyang labi.

"Haha. Ako pa ba?" Sabi ko sa kanya sabay akbay.

Bigla namang dating ni Mac.

"Oh? Magaling ka na pala" sabi nya with smile.

"Ah. Oo eh." Sagot ko naman.

Minsan napapaisip ako. Sino nga ba ang mas nakakahigit? Yung bestfriend mong mahal ka? O yung crush na syang mahal ko? Dadating yung panahon kailangan nating mamili. Haha ganun talaga. May masasaktan? Yep. Isa na ako dun sa masasaktan. Mamahalin mo ba si Mac pero di mo alam kung may meaning ba yung pinapakita nya sayo. Malay mo nag aassume ka lang nagpapantasya ka lang at dahil dun masaktan ka? O yung bestfriend mong si Alex na kilalang kilala mo na. Sino ang pipiliin ko?

Si Mac minahal ko yan sobra sobra kahit noong poser pa ako. Pano na lang kung malaman nyang ako si Claire. Tiyak magagalit sa akin yun. Masasayang yung bagong pinagsamahan namin bilang Klein. Masasayang yung pagkakataon na nakakasama mo yung pinapangarap mo. Pag umamin ka lahat yun mabubura lang ng isang iglap.


Si Alex. Na umamin sakin. Mahal niya ako. Kilala ko na sya. Bestfriend ko. Ang laki ng binibigay nya sa aking pagpapahalaga. Sasayangin ko ba yun? Para lang sa pinapangarap ko? Sa panahon ngayon napakahirap maghanap ng totoong kaibigang gaya ni Alex.


My GF Is A PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon