Back to school. Lunes na naman. Hay nako nakakatamaaaaad. Walang pinapansin kung di si bestfriend.
"Uy! Bestfriend sorry sa nangyari nung JS ah? Kala ko kasi kikiligin ka eh." Sabi ni Arlyn sa akin.
" Okay lang yun, kalimutan na natin yun." Sagot ko naman.
Tama nga sabi nila. Napaka memorable ng mga JS Prom. Kalungkutang di makakalimutan.
" Gusto mo plug kita sa GM?" Sabi niya.
"Huh? Paano?" Sabi ko.
"Marami kasi akong katext para malibang ka. Alam mo? Magpanggap kang babae sa text. Sayang talent mo boses babae ka pa naman sa call"
Napa sige na lang ako sa alok niya.
Ang Group Message o GM ay isa sa kinahuhumalingan ng mga kabataan. Para kang nag sstatus sa fb. Ang kaibahan lang isesend mo to sa lahat ng mga nais mong mapadaanan ng text mo. Ang "plug" naman ay yung para bang wanted textmate? Yung i GGM yung number mo kasama ang ilang info mo.
"Ano kunwari name mo?" Sabi ni bestfriend.
"Ahmm. Claire Cruz?" Sagot ko.
"Ah sige. GM ko na ah? Ako na bahala sa info" sabi nya.
At eto na naman kami gumawa na naman ng mapagkakatuwaan.
Pinabasa niya sa akin ang GM nya at ito ang nakalagay :
" PLUG :
Claire Cruz 09269122311
- 16 yrs. old
- maganda
- mabait
- at single
Text nyo respetuhin niyo po. Salamat. :)
#GM"
Napanganga na lang ako ng mabasa ko. Para namang napaka perpekto nitong masyado. Pero sige na nga libangan lang.
After mag send. 1 message, 2 message hanggang sa maging 46. Oh my God! Bakit nangyayari sakin to? Hahaha. Binasa ko isa isa. Puro "hi", "hello" etc. ang mga text. Yung iba pa nga jejemon "eLlow MhixZ" iwwww! Pag ganun blocked na agad.
Pag-uwi ko sa amin. Dali dali akong tumakbo sa computer shop. Gumawa agad ako ng bagong facebook para kay Claire at ito yung tinatawag na."poser" kung saan ibang muka ang gagamitin mong pictures kadalasan yung may itsura ang pinoposer. Gaya ko ang napili kong i poser ay ang pinsan kong maganda. Maghapon akong nag-upload. Isa.. dalawa... labin limang album ginawa ko at ninakaw kong pictures para d magmukang poser. At syempre sumali ako sa isang Active Liker Group sa FB para makipagkalakalan ng likes kung saan mag popost ka ng " Like nyo profile pic ko, likeback ako!" para di mapag kamalang poser. #GalawangFamewhore.
At umabot ng 100+ likes ang profile pic ko. Siguro naman di na ko mapagkakamalang poser nito.
BINABASA MO ANG
My GF Is A Poser
RomanceA Sinful Love Story Paano na lang kung mainlove ka bilang poser sa taong nililinlang mo? Handa ka bang aminin ang katotohanan o handa mong ilihim sa ngalan ng pag-ibig?