Chapter 22 - Hangover

1.6K 54 2
                                        

Oh My! 10 a.m na pala. Araaaay! Ang sakit ng ulo ko! Si Alex tulog pa din hanggang sa ngayon. Grabe! Ang sakit sa ulo parang nabibiyak.

"Klein inom kang malamig na tubig pangtanggal hangover" sabi ni Shin.

Eto pala ang pakiramdam ng may hangover! Hahaha. Ayoko ng maulit to. Ginising ko si Alex para magpaalam na umuwi na.

Simula ng mangyari yun nasanay na kong uminom. Nasanay na ko sa alak. Lagi kaming nag-iinuman sa bahay nila Alex. Ewan ko ba pag umiinom ako sumasaya ako nakakalimutan ko problema ko. Pero ngayon nasanay na ko kaya ko ng kontrolin na uminom ng di nalalasing.


Minsan pinagttripan namin kung sino unang babagsak. Susulatan namin muka tsaka pipicturan. Syempre! Si Alex ang laging nalalagyan dahil tulog mantika kung matulog yun. Walang paki sa mundo. Haha.

"Ang alak sa tyan nilalagay, di sa utak" sabi samin ni Shin.


Well may point naman sya. May mga tao kasing pag nakainom nawawala sa katinuan minsan napapaisip na lang ako baka mamaya drama lang nila yun. Kasi ako wala akong naramdaman nung nalasing ako.


Ilang buwan man ang lumipas kami pa din magkakasama. Sarap ng may gantong barkada feeling ko di ako naiiba sa kanila kahit alam nila kung ano talaga ako. :)

"Bakit? Okay ka namang kasama ah? Mabait ka naman. Bat ako matatakot sayo?" Yan sabi sakin ni Alex nung tinanong ko kung di ba sya nag aalangan pag kasama ko. Pero ayun ang sarap ng kaibigang tanggap ka.

My GF Is A PoserMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon