Good Morning Bakasyon! Agad-agad kong binuksan ang cp ko dahil alam kong nagtext si Darwin.
"Baby sorry sa kagabi :( di na mauulit"
Text ni Darwin.Huh? Ako Baby? Wala naman kaming tawagan ah? Aba! Lokong to! Pa wrong send wrong send pa! Who You ka sakin! Mas malandi pa pala sakin. Bwisit!
Sa sobrang inis ko. Mas minabuti ko na lang na patayin ang cp. Lumuwas ng Malabon para magtrabaho sa Grocery Store ng Lola ko at good bye poser life. Agad agad akong nag impake at umalis. Napakamalas ko sa pag ibig! Kahit anong gawin ko.
Hello Malabon! Haha. Dali dali kong binuksan ang cp ko para magtext sa Lola ko na nandito na ko. Ooops! May nagtext unknown number.
"Good Afternoon Ms.Claire. :)"
"Sino ka po?' Reply ko sa kanya.
"Hay sa wakas nireplyan mo ko din ako tagal tagal ko na kasing nagtetext sayo kaso di mo ko nirereplyan. Ako nga pala si Mac Fernandez" text niya sa akin.
Again and again. Ininterview ko sya sa text. Naging close na naman. Ang dali ko syang nakaclose kasi feeling ko ang bait nya. By the way siya pala si Mac Fernandez 19 yrs old taga Baliwag Bulacan. 3rd yr college na sa kursong BSIT sa Bulacan State University.
Napaka caring nya. Lagi syang nagtetext. Nangangamusta. Nag aalala. At eto na naman ako nagpapantasyang ako talaga yung Poser ko.
Ang sarap sa feeling na may nag aaalala sayo. Ang gaan gaan ng pakiramdam mo sa kanya. Yung nag woworry sya pag di ka nagtetext. Haha teka inlove na ba ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/40488806-288-k577294.jpg)
BINABASA MO ANG
My GF Is A Poser
RomanceA Sinful Love Story Paano na lang kung mainlove ka bilang poser sa taong nililinlang mo? Handa ka bang aminin ang katotohanan o handa mong ilihim sa ngalan ng pag-ibig?