Sarap isipin na close na close kayo nung taong lihim mong minamahal. Bakit ganun syang kaclose sa kin? Sana mahal niya rin ako! Hahahaha. Libre lang mangarap.
Aalis na nga pala si Lola Nanay. Pupunta na syang Canada kasi kinuha na sya ni Tita na anak nya. Kaya ako lang nakatira sa bahay. Iiwan sakin ni Lola ang bahay at grocery store nya sa Malabon. Dun ko kukunin ang panggastos ko sa araw araw kung kulang magpapadala sya.
Napakaswerte ko at pinalaki ako, binuhay, at pinag aral pa ng Lola ko. Kaya naman nakakalungkot na aalis na sya. Di ko man lang mapapakita sa kanya na may saysay yung tulong na binigay nya sakin.
Umalis si Lola, sinundo na sya nila Tita. Ako na lang mag isa sa bahay. Hahaha pano to? Para kong nagreready sa isang pamilya! Challenge accepted! Kakayanin kong mabuhay mag isa para sa kinabukasan. Nakakalungkot nga lang pero okay lang sanayan lang to.
Araw araw ako na gagawa at magluluto ng makakain ko. Ako na maglalaba. Ako na maglilinis. Sarili ko na lang iintindihin ko. Sana man lang kasama ko si Mac! Hahahaha para araw araw akong kiligin. Minsan naiisip ko dito na kami nakatira ni Mac ipagluluto ko sya ng pagkain aalagaan. Hahaha sarap mangarap kahit never mangyayari. Basta ang tandaan wag ng sirain pa yung closeness namin. Wag ipilit. Hahahaha. Ano ba? Masaya naman ako kahit di kami eh. Basta ang mahalaga friends kayo ng mahal mo.
BINABASA MO ANG
My GF Is A Poser
RomansaA Sinful Love Story Paano na lang kung mainlove ka bilang poser sa taong nililinlang mo? Handa ka bang aminin ang katotohanan o handa mong ilihim sa ngalan ng pag-ibig?