Inalis ko sa isip ko ang mga pangamba. Patuloy pa rin ang aming relasyon na ako mahal ko sya kahit poser ako at siya namang mahal yung poser ko.
Ilang away at tampuhan pinagdaanan. Walang sukuan. Ang relasyon kailangan ng intindi at unawa. Lahat ng iyon ay nalalagpasan namin. Sabi ko naman sa inyo Lord e di ko sya pababayaan kahit poser ako. :)
Gusto nya sabay kaming kumain at matulog kahit sa text lang. Gusto nya alam nya lahat ng ginagawa kom binigay ko sa kanya lahat ng time ko. Lagi syang nag ppromise na walang iwanan. Sa kanya ko lang naramdaman yung tunay na kahulugan ng salitang "Promise"
Gabi gabi lagi naming pinapangarap buhay namin pag nagkasama na kami (kahit never na mangyarari). Lagi naming iniisip yung future namin. Na balang araw magpapakasal kami at bubuo ng pamilya. Pag magtetext kami nun lagi akong nagagalit kay God. Naiiyak na lang ako sa inis wala akong magawa. Napakaswerte ni Claire sana totoo na lang sya. Wala ka ng taong makikitang ganito. Yung alam nyang di ka perpekto pero minamahal ka nya ng totoo. Lagi kaming nangangarap na magkayakap bago matulog kahit sa text. Patuloy ko syang minahal nabuhay kami sa relasyong imahinasyon at mga pangarap na kahit anong pagsubok ang dumaan laging tatandaan na " promise walang iwanan".
BINABASA MO ANG
My GF Is A Poser
RomanceA Sinful Love Story Paano na lang kung mainlove ka bilang poser sa taong nililinlang mo? Handa ka bang aminin ang katotohanan o handa mong ilihim sa ngalan ng pag-ibig?
