Chapter 15

45 2 0
                                    

Pag pasok ko palang sa gate alam ko nang nandidito na naman sa bahay sina Carolina. I couldn't talk to her kanina dahil sa nasa presence ko pa si Ellison kaya akala ko wala sila at ako ang pupunta sa bahay nila. 

See, this is the distraction why I'm losing my focus. Dahil sa mga pinaggagawa ng mga pinsan ko. 

Kaya rin hindi na ako nag text kay Genesis. Because if my cousins were here, I would have no time for other things. They would get mad if I didn't pay attention to them. I should just focus on one thing bago ang iba. 

Kaya kinalimutan ko muna ang nabasang text galing kay Genesis. I find it a bit heavy at ayaw kong ma stress ngayon. 

Nasa bulwagan pa ako, natanaw ko na sa living area ang tatlo. Nagkukumpulan na naman sa isang couch. Mama is with them at kinakausap si Carolina. Juliana and Sheena are looking at something on the phone. 

Nang marinig nila ang yapak ko, sabay sabay silang nagsilingunan. I smiled with my tongue between my teeth. And I realized it's the first time I smiled like that. Kasi alam kong hindi naman totoo ang kina e- stress-an ko the past three weeks. 

"Sierra, dito daw mag o-overnight ang mga pinsan mo. Magbo-bonding daw kayo," masayang balita ni Mama. 

I grinned at that. Kung hindi pa umuuwi si Ellison at ngayon nila nagbalak e discuss ang plano nila, I know I will not cooperate. Kaya swerte sila at I'm on my good mood. 

Nang may inasikaso si Mama, tumuloy din kami sa kwarto ko. They immediately occupied my bed, so I had to adjust for them. Ako na ang umupo sa may vanity table ko. 

Carolina sighed heavily. 

Pero bago pa siya makapagsalita, naunahan siya ni Sheena. "Hindi daw girlfriend ni Franklin yong babae sa IG!" gulat niyang sinabi. Nakahawak siya sa cellphone at may bimabasa. Probably a text from her chismosa friend. 

I hid a smile at kunwari may tinitignan sa vanity table ko. Sempre hindi siya ang girlfriend kasi ako ang girlfriend! 

I heard Carolina groan. "Shut the hell, Sheena! Nandito tayo para sa plano!" 

"Fine! I'm just shocked. You were so sure na itong babae ang girlfriend ni Franklin. Hindi pala," depensa ni Sheena sa sarili. 

I looked at Juliana and she was just quet. She's not looking at me like she always does before but I saw she was observing things. 

"But thank God Franklin went back earlier." Biglang sinabi ni Carolina. "Kasi kung hindi, doon gagawin ng APS ang plano without our help. We couldn't sabotage the plan." 

I saw how Sheena put her cellphone down. Si Juliana ay humarap kay Carolina. Carolina's got our attention just by mentioning Ellison. 

"As my boyfriend says, kung hindi daw umuwi ng maaga si Franklin for sudden reason, doon nila isasagawa ang plano. Pero they couldn't make the plan kasi tinapos daw ni Franklin ang lahat transaction niya doon. He was supposed to stay there for two months." 

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Anong two months? Buti umuwi siya kasi kung hindi siya bumalik ngayon, who you siya pagdating niya! 

I might have had a slight violence to that because Juliana looked at me when I heard the two months thingy. 

"Buti at umuwi noh! Kasi paano kung doon ginawa ang plano, diba?" sabat ko kunwari. 

Pero as I listen more to the conversation, napagtanto kong seryoso pala talaga ang gagawin namin. And it could be really dangerous for us kung natuloy ang plano ng APS sa New York. 

Her Twisted MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon