Chapter 35

44 0 0
                                    


It was early in the morning nang datnan ko ulit si Carolina sa kusina. Katawagan niya ulit ang mga pinsan ko. It's been three days nang umiyak ako dahil sa pressure niya. I just really realized what I will do when I face my family. Nakakatakot pala 'yon. The four years of being away made me forget how I will approach them. 

Natigilan ako nang makita ko si Carolina na ang pa-panick. Nakaharap sa kanya ang cellphone niya indicating na naka video call sila. 

"Tangina, Carolina. Nahimaay ang mama mo. Kailan ka uuwi? Kapag patay na siya?" rinig kong galit na sinabi ni Juliana. 

"Hindi nga tuloy ang kasal. Cedric made sure that guy can do nothing about you. Kaya bumalik kana." Si Sheena naman. 

"It's not it, Juliana! It's not that I don't want to go! May binabantayan ako rito!" inis din na sinabi ni Carolina. "Beside sabi niyo, stable naman si Mama."

Sarcastic na tumawa si Juliana. "Anong binabantayan mo? Mas importante pa ba 'yan sa mama mo? Tita was looking for you. Kung hindi ka uuwi, ipapa trace ka namin!" 


I shifted uncomfortably on my seat. That means if they do it, pati ako ay mat-trace. Dammit! 

"Bukas, uuwi na ako. What's the urgency when Mama is stable?" inis ding sagot ni Carolina. 

I saw her glare at me. Para bang ako pa ang sinisisi kung bakit hindi siya maka uwi. Like how? Hindi ko naman siya pinipigilan. In fact, I would be even more glad when she came back to the Philippines. 

"Hindi mo naiintindihan, Carolina! The trauma Sierra caused was being triggered. Kahit sinabi na namin na okay ka lang ayaw nilang maniwala. Pati si Lola ay naapektuhan na din. Lumalala ang blood pressure kakaisip kung nasaan ka!" si Juliana. 

I saw Carolina gritted her teeth. Halatang ayaw niya pang umalis. That was visible on her face pero now that Juliana say something about trauma, nakita kong papayag na siyang bumalik. 

Ano bang trauma ang nadulot ko? 

"Fine. I'll book a flight now. Sabihin niyo kay Mama na uuwi na ako," mahinahon ng suko ni Carolina.

They talk for another fifteen minutes bago nila tinapos ang tawag. Hindi na ako pinansin ni Carolina nang matapos ang tawag nika at agad siyang pumanhik sa taas. 

Hindi ko tuloy alam kung kakain ako o hindi. Nang ilang minuto akong nakaupo lang, nagpasya akong sumunod sa kwarto niya. Pag-pasok ko sa kwarto, hindi ko siya nakita. But I saw her suitcase. Naka pack na siguro ang maleta niya dati kaya mabilis lang niyang natapos. 

Lumapit ako sa kama niya at doon nag-hintay. She is inside the bathroom, rinig ko ang pag agos ng tubig galing sa shower niya. Ilang minuto akong tulala lang nang dumako ang mata ko sa passport niya sa side table. Kinuha ko 'yon pero saktong lumabas siya nang hawak ko na yon.  

"Anong ginagawa mo?" agad niyang tanong. 

Binaba ko ang passport at saka bumaling sa kanya. She was on a bathrobe at nakahanda na sa kama niya ang susuotin niya. It's a cargo pants with one shoulder crop top. 

"Ngayon ka uuwi?" tanong ko kahit narinig ko naman. 

She raised a brow. "Bakit? Sasama ka?" 

Umirap ako. Anong sasama? Do I look like I want to go back? Patawa siya. 

"Malamang hindi! Gusto ko lang ipaalam na huwag mong sasabihin na buhay pa ako," seryoso kong sinabi. 

Her Twisted MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon