Chapter 34

55 3 0
                                    

The sudden vacation was just so unreal. Kahapon ay nasa lab pa kami. Bago kami umuwi, nakuha na namin ang memo para sa vacation namin. Kaya ngayong araw ay parang hindi ko alam ang gagawin. It's the first day of our vacation at ngayon ko pa naramdaman ang mga nararamdaman nina Akari kahapon. I find them so overreacting na kesyo ano nalang daw ang gagawin nila. Ngayon, hindi ko din alam ang gagawin ko. 

It's been hours since I woke up pero hindi ako bumabangon. Thinking that I have no works made me feel so lazy. Nilakasan ko pa ang air-conditioned sa loob para malamig at masarap matulog. 


Kaya lang, bago pa ako lamunin ng antok, pumasok ulit ang baby ko. Kanina pa siya lumabas. Hindi na niya ako hinintay dahil nagugutom daw. Sinabi kong nasa kusina na si Akari at Carolina kahit hindi ko talaga alam kasi isasama niya ako sa kusina at tinatamad pa akong bumangon. 

Agad siyang pumanhik sa kama. I saw him holding a notebook. Pero nawala din doon ang attention ko nang daganan ako ng baby ko. He was smiling as he did it. 

"Mommy, wake up. We already ate." He hugged me with his small hand. 

Tumawa ako at saka pinalupot ang kumot sa kanya habang niyakap siya. I heard him giggle. 


"Let's sleep again," aya ko. 

"No, Mommy. You're lazy. Tita Akari said you have to eat and exercise." 

Agad akong napairap. Exercise niyang mukha niya. Para saan pa ang exercise kung hindi rin naman kami magtatrabaho for five months. Not that I only exercise because of our work pero pwede namang mag exercise na ngayon sa hapon o sa gabi. Hindi lang sa morning noh! 

"No baby. Matutulog tayo." 

Nang naramdaman kong tatayo ang baby ko, pinakawalan ko siya. I watched him as he went to my side at saka niya pinulot ang notebook na dala niya kanina. He then went against the headboard at saka doon sumandal. 

Humarap ako sa kanya para makita kung ano ang laman ng notebook. Nanlaki nga lang ang mata ko nang makita ko ang picture ng Daddy niya, nakadikit doon sa notebook. At mas nagulantang pa ako nang paglipat niya sa next page ay paninagong picture ng Daddy niya ulit. What the heck? 

Napabangon ako ng wala sa oras. I glared at the notebook. Pero nang tingnan ako ng anak ko dahil sa pag-upo ko bigla, kunwari ngumingiti ako. My son smiled too and looked at the notebook again. 

"Mommy, can we go to Daddy? Tita Carolina said that he's in Manila." Tumingin ang anak ko sa akin. He looked hopeful and expectant. Simula ng umiyak siya at nagalit sa akin dahil sa Daddy niya hindi na ulit kami nag usap tungkol sa Daddy niya. Ngayon pa lang ulit. And maybe because ang dami dami ng sinasabi si Carolina tungkol sa Daddy niya. It only made him badly want to meet his Daddy. Hilaw akong ngumiti. 

"Do you know Manila, Mommy?" tanong niya ulit. 

Imbis na sumagot, agad kong inagaw ang notebook niya. He gasped because of it. Agad kong ni-scan ang notebook at nanlaki ang mata ko nang makitang punong puno 'yon. I didn't know where he got it but I know Carolina has something to do with it. 

"Mommy!" protesta ng baby ko. Agad siyang tumayo para agawin ang notebook niya pero naiwas ko. Kumukunot na ang noo niya sa akin dahil sa ginagawa ko. 


"That's mine, Mommy. Please give it back," pagmamakaawa niya nang hindi niya makuha sa akin. 


"No, I will burn this," pang-aasar ko. When I saw him immediately in tears, agad akong napangisi. 

My son hugged me. Ipinalupot niya ang kamay niya sa leeg ko. He looked hurt and ready to cry kung hindi niya makuha ang notebook niya. 

"Mommy please no. I love you." I saw tears roll down his cheeks. 

Her Twisted MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon