Chapter 31

59 2 0
                                    

Nang maramdaman ko ang kamay ng baby ko ay doon pa ako natauhan. I looked at him and saw him confused. Nakatingala sa akin at hinihintay ako  para lumakad kami. 

I looked back at Carolina at nakita kong pumasok siya sa establishment kung saan ko siya nakita. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. I'm shocked she's here and I suddenly felt a chill run down my system. 

I was in dilemma nang biglang sumulpot si Akari sa harap ko. Annoyed dahil hindi na kami sumusunod sa kanya. Nasa may pinakadulo pa ang kotse kaya nagtaka siguro siya ng wala ng nakasunod sa kanya. 

"Mommy, are you okay?" biglang tanong ng baby ko sa akin. 

I swallowed the lump that formed in my throat. Bumaba ako sa anak ko para magka-level ang mata namin. 

I smiled at him. "Baby, can you go with your Tita Akari? I have something to do. I'll be back soon." 

Hindi kumibo ang baby ko. He just stared at me na para bang nananantya kung ano nga ba ang gagawin ko. 

"What are you doing? It's late. We have to go back now, Irine!" iritadong sinabi ni Akari. 

"Can you, baby?" ulit kong paalam sa baby ko,ignoring Akari. 

Akari groaned. Isang tango lang ng baby ko ay susundan ko na si Carolina. She looked scared and I'm curious why. She's a troublemaker kaya nga nandito ako sa situation ko. 

Well, except of course sa scene with the RAVENS pero plano ko talaga ang accident thingy at ang pagka missing ko. I didn't expect they would hold a funeral for me. I didn't know why I got into depression when in the first place, it was my plan. 

"It's late, Mommy. We'll wait for you in the car." 

I grinned at my son, proud of his decision. I kissed him on the cheek bago ko hinarap si Akari. 

"I'll be back. I'm just going to see something."

Hindi na siya naka-angal dahil umalis na ako matapos. I immediately crossed the road at agad ding pumasok sa establishment kung saan pumasok si Carolina. Once inside, I was shocked when I saw it was a bar. Ang daming tao at halatang ngayon pa magsisimula maging wild. People keep on pouring. 

Damn! Paano ko hahanapin si Carolina. 

Kahit walang assurance, sinubukan ko paring maghanap. She was in a black hoodie. Pero hindi ko na kailangan maghanap nang makita ko siya sa counter mag isa. The hoodie was hiding half of her body at pati ang ulo niya. I was so sure it was her kaya lumapit ako sa medyo malayo sa kanya. 

I didn't really think about the possibility of what if she recognized me. I just want to know why she is here at bakit para siyang natatakot. 

Nakita kong may kausap siya. I didn't get to hear it. Pero I have a chance to filter out the damn loud music just in time. 

"I'm hiding now. Hindi ko alam kung may nakasunod parin sa akin pero sana wala. Wala naman akong nakita kaninang nakasunod." Rinig kong sinasabi ni Carolina sa cellphone niya. She then say something at agad niyang binaba ang tawag. 

She's hiding? From whom? 

She drank her shot in one gulp. When she glanced at my direction, I saw how her face contoured into a mixture of shocked, scared, unbelievably… Pero at that moment too, someone behind her back held her and tried to grab her harshly. 

Hindi ako nagulat sa pagkakita niya sa akin. Nagulat ako dahil sa nangyayari sa kanya. Nakita kong nanlaban siya at nakawala sa lalaki. She then stormed out of the bar. Sumunod ang lalaki sa kanya. 

Her Twisted MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon