Chapter 46

23 0 1
                                    



Wala akong nasabi ng si papa na ang magsalita. He was mad for what he heard. Hindi niya matanggap na may anak ako. Hindi ko alam kung dahil ba may anak ako at my age o dahil may anak ako at kay Reu pa… maybe both. 

“This is a joke, right? Sierra?” tanong ni Tita sa akin. Pero hindi ako nagsalita. Bumaling siya kay Carolina ng wala siyang makuhang sagot sa akin. “Carolina?”

Ayaw magsalita ni Carolina pero lahat sila ay naghihitay ng sagot kaya napilitan siyang sumagot. “Hi… Hindi po. I saw her son.”

I heard gasps. Hindi ko na tiningnan kung sino sino. I just know they are shocked by what Carolina said. 

Dahil medyo hindi maganda ang paghinga ni Lola dahil sa nangyayari, sinabihan ako ni Papa na sumunod sa kanila sa mansion. I hesitated pero wala akong nagawa ng hawakan ni mama ang kamay ko at hinila ako pasakay ng van. Hindi ko na nabalingan kung nakita ba ako ni Reu na sumama sa kanila.

Natipon kami sa living room. Pinaupo nila si lola at pinatawag ang nurse niya para tingnan ang blood pressure. Nang masigurado nilang okay lang si lola, doon na nila ako hinarap. 

“Ano to? Paano kayo nagkaanak? Imposible yon, hija,” ani Tita, mama ni Juliana. 

I sighed tirelessly. Kung hindi lang si papa ay hindi ako sasama dito. 

“Franklin was my boyfriend.” 

I am thankful this time they are silent and are willing to hear my explanation. 

“And I don't think I'm the only one who needed to explain here.”

Kita kong tumayo si Juliana at lumapit sa akin. Tumungo si Sheena at nanatili lang si  Carolina kung nasaan siya nakaupo.

“Nagsimula ang lahat ng ito noong may in-attend-an tayong party. I don't think if you remember but it was a party where I went to with you.” Binalinga ko silang lahat. “Hindi naman ako um-aatend ng mga ganon pero pumunta ako dahil may ipinapagawa sa akin sina Carolina.”


I explained to them the details. From the moment na may ipinakuha sa akin na chip at kung paano ko na meet si Franklin. I told them about Carolina’s boyfriend and how they want us to spy on RAVENS. Lahat lahat ay sinabi ko. Paano kami nagkakiala ni Franklin. But I didn’t tell them about my fake accident. Hindi ko kaya. Kay Reu ko lang sinabi ang tungkol sa kung ano ba talaga ang trabaho ko sa US. I didn't tell them because we signed a contract na bawal ipagsabi. Ang alam nila naaksidente ako at tinulungan ako ng isang pamilyang Japanese.  

“I know it's my fault. Dapat noong nanganak ako ay bumalik ako pero hindi ko ginawa. I went into postpartum depression at wala akong matinong desisyon sa oras na ‘yon. Hindi ko na naalagaan ng mabuti ang anak ko at ang mag-asawang Japanese ang nag-alaga sa anak ko.” Huminga ako ng malalim at saka binalingan lahat sila. “When I recover naisip ko na baka naka move on na kayo kasi matagal naman na akong nawala. I didn’t actually want to come back…” pag-amin ko. Kasi ganon naman talaga ang plano ko. 

Matapos kong mag-explain ay lahat sila ay tahimik. For a moment I thought they would finally forgive me for what I did but I was wrong. Kita kong nagpunas ng luha si mama. 

“I’m sorry anak but I can never understand how you think I could easily move on. Ni isang beses hindi kita kayang pagalitan. Kahit anong sabi ng mga Tita mo tungkol sayo na dapat e-disciplina ka na mag-hired ng tutor para sayo, hindi ko ginawa. I don’t want you to feel na hindi ka magaling. I never complain why you have low grades and would give you anything you want. Kasi nag-iisa ka lang at ayaw ko na nasasaktan ka.” Sinabi ni mama ng punong puno ng hinanakit. Her tears would never stop. “I don’t need high grades, I don’t need achievements… ang importante sa akin ay masaya ka at nakukuha mo ang mga gusto mo.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Twisted MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon