Malaking adjustment ang ginawa ko. Dahil sa nasabihan na ako ng doctor na bawal ma-stress, kahit minsan ay sumasagi sa isip ko ang buhay na iniwan ko, pinipigilan ko. Kahit gusto ko ulit mangalap ng impormasyon kung gumising na ba si Reu ay hindi ko na ginawa. Those few weeks were hard. Gustong gusto kong kumuha ng cellphone at mag browse ng news. Pero dahil alam ko nang pwedeng mapahamak ang baby ko ay iniwasan ko na.
Na busy din naman ako sa pag aaral kalaunan. Unang semester ko ay sa university ako pumapasok. Pero sinabihan na ako ni Mrs. Nagamori na sa second semester ay homeschool na ako. Sila na daw ang bahala sa gastos pero hindi ako pumayag. Mabuti ay nag o-offer naman ang University ng online class kaya 'yon ang napagkasunduan namin.
"Are you alright?" tanong ni Akari nang makita niyang nakahawak ako sa tiyan ko. May baby bump na ngayon. Malaki na kaya alam kung malapit na akong manatili sa mansion. Malapit na din matapos ang first semester ng masteral namin kaya online na ako next semester.
"Yeah," maikli kong sagot.
Nanlaki nga lang ang mata ko nang biglang hawakan ni Genesis ang tiyan ko.
"Up until now, you didn't tell us who's the father," sabat ni Genesis. Hinipo niya ang tiyan ko kaya sinapol ko ang kamay niya at Inirapan.
"Don't touch my baby!" inis kong sinabi.
"Tsss! It's just a touch, Irine!" reklamo niya. She rolled her eyes too.
Ever since sinabihan ako na kamuntik ko nang mawala ang baby ko, tudo ingat na ako. Na kahit pag hawak lang napaparanoid ako. Malay ko ba, diba? Paano kung pisilin nila ang tiyan ko?
"I don't care if it's just a touch! Don't touch me..." babala ko.
"Arte nito!" singit ni Akari. That... natutunan niya yan sa akin. Sa mga pag aaway ba namin madalas ay nasasabihan ko na siya ng mga salitang hindi niya naiintindihan. Kaya lang, ang problema sa kanya ay hindi siya tumitigil hanggang hindi niya nalalaman kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ko. Tapos ay gagawa siya ng paraan ma-apply lang sa akin ang natutunan niya. Kagaya ngayon.
"I'm just being careful, Akari!" inis kong baling sa kanya. She made a face.
"Don't stress our pretty preggy..." tumatawang sinabi ni Martin. I hissed annoyingly. Naiinis ako palagi sa kanila. Kaya rin thankful ako na malapit nang matapos ang first semester namin.
"But who's the father? Don't tell me it's Martin?" Si Teresa. Naningkit ang mata niya sa akin.
Nangilabot ako sa sinabi niya kaya pinandilatan ko siya ng mata. Seriously? Si Martin? The father is much more hot and cool and intimidating than Martin.
I bit my lower lip when I thought of him. Unti unti kong naaalala ang panaginip ko noong nakaraang gabi kung hindi lang sumabat si Martin. It helped me switch my thinking to the present.
Buti nalang. It was an unholy dream! I woke up so flushed and needy for god sake!
"Babe, I'm with you when Irine and the baby's father made the baby. I can't fly to the Philippines and then come to you the next day. That's just a hassle," tumatawang sinabi ni Martin. He even kissed Teresa in front of us!
Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor. Nawala ang isip ko kay Reu at biglang bumalik ang stress ko sa mga kasama.
"Will you please!... Please stop stressing me out?" inis na inis kong sinabi. "It doesn't concern you who's the father of my baby!"
Akari made a face to Martin and Teresa. "Don't kiss in front of us. It's stressing her out!" Tinuro pa niya ako gamit ang tinidor niya.
Isa pa 'to eh! Isusumbong ko talaga siya sa Mama niya! Makikita niya!
![](https://img.wattpad.com/cover/160985634-288-k338482.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Twisted Mistake
RomanceCerritulus Series 1 Sierra Irine Romero is always been underestimated by her family. She has a childish personality that made people around her couldn't take her seriously. But despite that personality, if you'd dig deeper into her mind lies a myste...