"It's everything okay?" Napabaling ako sa tanong na 'yon. It was Mrs. Nagamori and she was smiling while looking at my luggage.
I smiled at her too. "Yes. Thank you for doing this."
We were going to the US for our plan. I was scared. I cried when Akari told me we were going to the US after my check up with the OB. I was only comforted when Mr. and Mrs. Nagamori assured me they would go with us. May bahay sila sa US and they will stay there hanggang sa manganak ako.
She shook her head. "It's our plan from the beginning. We can't leave Akari alone in the US." She patted my back. "You don't have to thank us."
Yes, it was their initial plan. But it changed when they realized Akari can live on her own. Ni hindi na nga nila nakakasama sa mansion nila dito sa Japan kaya napag desisiyonan ulit nilang hindi na sila susunod sa US. That's what Akari told me. Kaya alam kong ako ang dahilan kung bakit ulit sila tutuloy. Palagi kong sinasabi kay Mrs. Nagamori ang mga problema ko, ang mga takot ko sa pagbubuntis. She knows I'm thankful she cared about me. Kaya sinabi rin ni Akari na baka ako daw ang dahilan nila.
"They don't care about me anymore. It's probably you why they were going with us," nakasimangot na sinabi ni Akari nang tinanong ko siya kung totoong sasama sila. I'm happy about it but Akari isn't.
"Then you should be thankful. You seem annoyed with their decision."
She snorted. "I'm not annoyed. It's the thought that I'm probably going to our mansion instead of having my own condo."
Umirap ako sa kanya. "Then don't live in the mansion. You don't have to live there, you know." She raised a brow at that. "But I will live in your mansion because I need your mother."
Tumatawa siya habang umaalis ako sa kwarto niya. Hindi ko alam kung nagjojoke siya kapag sinabi niyang threaten siya na baka ipagpalit na siya ng mama niya sa akin. Umiirap lang ako kapag sinasabi niya 'yon. Tumatawa naman siya habang sinasabi 'yon kaya feel ko nag jojoke lang siya. Bakit naman siya ipagpapalit?
Mrs. Nagamori's care made me long for my mother. Palagi akong natutulala kapag magkausap kami ni Mrs. Nagamori. It's like one moment I'm wholly present and then suddenly yong isip ko, maiisip si Mama. Paano kung siya ang kausap ko tungkol sa pagbubuntis ko? How would it feels?
Minanduhan ni Mrs. Nagamori ang mga tauhan na ipasok na ang mga luggage ko sa kotse. It's funny how I went there with nothing at ngayon ang dami ko ng maleta na dala.
"Are you ready?" tanong ni Akari. Ipinapasok na din ang mga maleta niya. She put her hands on my shoulder as we watched their househelps do their work.
"Yes, I'm ready. Your mother is coming so..."
She snorted and laughed afterwards. Natawa nalang din ako.
Noong sinabi ni Akari sa akin na tuloy kami US dahil pumayag ang organization. I got so conflicted. My emotions got the best out of me. Hindi pa tumulong na sinabi niyang aalis na kami two weeks from our spa session.
Bumundol ang lahat ng iniwan ko sa Pilipinas nang marinig ko 'yon. I felt like I shouldn't go dahil sa mga problemang ginawa ko. Wala akong balita kundi ang mga sinasabi lang ni Akari sa akin. And I feel like it's not enough. I feel like I need to do it on my own. Ang mangalap ng impormasyon.
Matapos namin sa spa session, napapansin ni Mrs. Nagamori ang pananahimik ko.
"I'm just tired," palusot kong sinabi nang mukha siyang nag aalala.
BINABASA MO ANG
Her Twisted Mistake
RomansaCerritulus Series 1 Sierra Irine Romero is always been underestimated by her family. She has a childish personality that made people around her couldn't take her seriously. But despite that personality, if you'd dig deeper into her mind lies a myste...